15

75 0 0
                                    

I am really bothered on the way to their school. Like what is really happening? Bakit naglilihim si Rouver sa akin sa mga ganito kasimpleng bagay? Tsaka hindi ko naman siya pagbabawalan kasi alam ko kung gaano niya kamahal ang basketball. Mas magiging masaya pa nga ako don kung sinabi niya sa akin hindi yong sa iba ko pa malalaman ang lahat.

I thought were really okay pero bakit pakiramdam ko unti unti na siyang nagbabago? May tinatago pa ba siya sakin maliban sa nalaman kong to?

"Dito ka lang muna at titingnan ko lang kung nasa loob ba talaga siya ng gym ngayon pero kung wala sumama ka nalang sa akin at panoorin mo nalang ako sa game ko." Klynn said at hindi na ako nagpumilit pa kasi hindi ko pa alam kung paano ko agad haharapin si Rouver sa kabila ng nalaman ko kanina.

A few minutes after ay hindi parin siya bumabalik kaya naisipan kong lumabas ng sasakyan para sana sundan na siya nang matigil ako sa paglalakad dahil sa may tumawag sa akin.

"Viel?"

Paglingon ko ay hindi ko inaasahang yung lalaking balak kong puntahan dito kanina lang ay agad kong makikita ngayon mismo sa harapan ko.

Rouver Celrix in flesh whom I didn't saw in person after four years is here who is very happy to see me.

"It's really you babe!" Masaya nitong sambit at mabilis akong nilapitan saka kinabig para mayakap at mahalikan.

Sh*t!!

I was shocked on what he did and to see him this instant kaya hindi agad ako nakahuma sa ginawa niya. Mukha tuloy na ako pa ang nagulat ngayon hindi siya.

"How did you get here babe? Sinong kasama mo? D*mn! I thought I was just hallucinating at nakikita na kita sa kung saan!" He said while holding both of my cheeks at pinaglapat ang mga noo namin.

I just looked at him first and then meanwhile, I finally have the strength to speak..

"I'm.. on a vacation with my family here."

"Really? Until when at bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito?" He asked.

Eh ikaw, hindi mo nga rin sinabi sa akin na sumali ka pala sa varsity ninyo.

I wanted to tell him that pero umurong ang dila ko at iba nalang ang sinabi.

"Dinala lang ako dito ni Klynn to watch his game. Hindi ko naman alam na nandito ka rin pala kasi sabi mo nasa company ka ninyo tuwing friday till weekends kaya hindi ko narin nabanggit. Ayokong istorbohin ka sa trabaho mo sa kumpanya niyo. Anyways, bakit nga ba nandito ka ngayon? Are you gonna watch his game also? Are you not that busy?" I said at ramdam kong natigilan naman siya don.

I looked at him intently and then a few seconds later he answered me with a lie.

"Y-yeah, I'm going to watch his game. Nasaan na pala siya? Bakit iniwan ka niya dito?" Aniya at niliko ang usapan.

Pasimple naman akong napapikit at naikuyom ang mga kamao.

Why are you lying to me Rouver?? Just why? May dapat ba akong malaman na hindi ko alam? Bakit simpleng bagay na ganito ay tinatago mo pa sakin?

This is not the first time na nagsinungaling siya sakin pero iba ito sa lahat ng kasinungalingan niya kasi parang wala talaga siyang balak na umamin at ipaalam sa akin ang ginagawa niya.

Ito na ba yung kinatatakutan ko? Ito na ba yung resulta nang hindi ko pakikialam madalas sa mga ginagawa niya minsan? Ganon na ba ako naging kampante sa relasyon namin?

I was about to answer him nang dumating naman ang pinsan ko at ito na ang sumagot kay Rouver.

"Hey man! Long time no see!" Anang pinsan ko sa kaibigan.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon