25

75 2 0
                                    

After I told Elle na makikipag-ayos na ako kay Reath ay sobrang natuwa siya at gusto pa niyang sabay sabay na kaming magkita kita para magkaayos kaming lahat. Pumayag naman ako and we settled on the next sunday which parehong off naming lahat sa trabaho.

But then sunday came at hindi natuloy ang lakad namin kasi nagkaroon sila ng biglaang lakad so it was moved to another Sunday.

Wala tuloy akong lakad ngayon at napirme lang ako sa bahay mag-isa. Wala na naman kasi si Rouver dahil kailangan daw siya sa kumpanya nila even it's Sunday.

So because I have nothing to do, naisip ko nalang na matulog para makabawi ng lakas. But then again, I was about to sleep kasi inaantok na talaga ako nang bigla nalang tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag.

Tamad ko naman itong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

‘Hey Viel, can you accompany me to the mall today? May bibilhin lang akong regalo para sa pamangkin ko.'

"As in ngayon na? Tsaka bakit mo naman reregaluhan ang pamangkin mo?"

‘It's her birthday at hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Samahan mo naman ako please?'

"Oo na. Sunduin mo nalang ako dito." Pagpayag ko at napilitan nang bumangon. Kukulitin lang din kasi niya ako kung hindi ko siya sasamahan.

Pagkatapos kong mag-ayos ay sakto namang dumating siya kaya agad na akong bumaba.

"Whats with that look Viel?" Aniya dahil nakasimangot akong pumasok sa kotse niya.

"Istorbo ka e. Balak ko sanang matulog buong araw."

"Oh? Sorry about that pero mamaya ka na matulog sa gabi. Lagi ka nalang natutulog kapag walang trabaho. Kaya ka tumataba eh."

"Masarap matulog Nix tsaka anong tumataba? Hindi no! Tara na nga at nang makauwi tayo agad." Sambit ko at tinawanan niya lang ako. Inirapan ko nalang siya at tumingin nalang sa labas ng sasakyan.

Pagdating sa mall ay nag-ikot lang kami para maghanap ng regalo.

"Ano bang gusto ng pamangkin mo ha?"

"Hindi ko nga alam kaya nga nagpasama ako sayo." Anito at muli naman akong napairap sa kanya at naghanap nalang ng possibleng regalong magugustuhan ng pamangkin niya.

Nang matapos kami sa wakas sa paghahanap ay inaya ko naman siyang kumain kasi nagugutom na ako. Pero may biglang tumawag sa kanya kaya mukhang hindi niya ako masasamahan.

"Sorry Viel, I really have to go."

"It's fine. Sige na at magcocommute nalang ako pauwi. Kakain na muna ako bago umuwi."

"Okay. Just call me if nakauwi ka na." Tumango naman ako at nang makaalis siya ay naghanap akong mag-isa ng makakainan.

Then nahagip naman ng paningin ko ang paborito kong fast food chain at akmang papasok na sana ako nang makitang andami ng mga tao. At dahil tinatamad akong pumila ay napanguso nalang ako at hindi na tumuloy.

I am craving for the food that they serve pero saka nalang siguro ako kakain ng ganon. Medyo nahihilo na din kasi ako dahil sa kakalibot kanina at kung pipila pa ako ay mas lalo lang akong matatagalan dito at baka ano pang mangyari sa akin. Sa bahay nalang ako kakain pagdating ko.

Umalis nalang ako don at dumaan muna sa restroom bago umuwi.

After I got out from the restroom na medyo natagalan ako ay nagulat nalang ako nang biglang makita ko ang lalaking iniiwasan ko noon pa. He seems waiting for someone at nang makita ako ay bigla siyang napaayos ng tayo.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon