14

72 1 0
                                    

There is no such a perfect relationship. There is no such a perfect love story. Minsan, kahit hindi mo man gustuhin ay magkakaroon at magkakaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan lalo na kung ang karelasyon mo ay nasa malayo. Nanjan kasi ang mga pagdududa although kahit may tiwala ka naman sa kanya ay hindi mo parin yon maiiwasan.

Two days after I graduated in College ay nagbalak ang parents ko na magabakasyon sa Maynila. Akala ko nga ay hindi nila ako isasama pero sobrang tuwa ko nang sabihin sa akin ng ate ko na sasama daw ako sa kanila.

I was so happy kasi finally ay magkakaroon na ako ng pagkakataon na makita ang boyfriend ko pati ang barkada. It's been four years na hindi ko sila nakikita at sa wakas ay makikita ko narin sila ngayon.

"Magbabakasyon kayo sa Maynila?" Reath asked na nandito ngayon sa bahay kasi hinatid niya ako pagkatapos naming kunin ang mga credentials sa school.

"Yep at sa Saturday na kami aalis. Ikaw? Hindi ka ba susunod sa parents mo pa Maynila?"

"I will and I was planning to go there earlier kasi may kasal akong dadaluhan." Aniya at napangiti naman ako ng malapad dahil don.

"Great! So matutupad mo na ang promise mo na ipapasyal mo ako sa Maynila gaya ng sabi mo sakin." I told him.

I haven't been in Manila actually kasi never talaga akong sinasama nina mom at dad kapag pumupunta sila doon. This is my first time kaya sobrang excited akong pumunta don. Tsaka makikita ko rin si Rouver after almost four years na hindi kami nagkikita, Well, kung papalarin lang naman.

"Of course and I will be your tourguide as promised."

"Sabi mo eh. Nga pala, pwede bang magrequest?" I asked at tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Are you planning on something Daine?" Aniya at natawa naman ako dahil don.

Kilalang kilala na niya talaga ako at isang tingin ko lang sa kanya ay alam na niya kung ano ang gusto ko o kung ano ang binabalak ko. He's now my bestfriend at mas kilala pa niya ako ng husto kaysa sa mga dati kong kaibigan na kung tutuusin ay mas matagal ko nang kilala kaysa sa kanya.

He's like Kuya Jex but a lot better than him, tho.

"Well, I just want to ask kung pwede akong sumabay sayo papuntang Manila. I'll ask my Mom and Dad about it at kung papayag sila then pwedeng sumama ako sayo?"

"And why do you want to go there earlier as scheduled?" He asked

"Gusto ko kasing puntahan si Rouver." I told him na ikinailing naman niya.

"Hindi ka ba mapapahamak sa ginagawa mong to? Paano kung mahuli ka nila? Gusto mo ba talagang magalit na naman yung mga magulang mo sayo?"

"Bahala na basta't gusto ko lang siyang makita. Please Reath? Ngayon lang naman eh..please?" I pleaded at nagpuppy eyes pa sa kanya habang nakayakap sa mga braso niya.

As you all know, I'm not a sweet person pero simula ng tumapak ako ng college at nakilala siya pati ang mga kaibigan niya ay lumabas yung pagiging sweet at childish side ko. Ewan ko ba, pero siguro dahil ako ang pinakabata sa aming lahat at nafifeel ko na pamilya ang turing nila sa akin.

Noong high school kasi ay parang normal na magbabarkada lang kami ng mga kaibigan ko except for my cousins of course pero dito sa mga bago kong kaibigan ay parang nagkaroon ako ng bagong pamilya. Yung totoong pamilya.

Tsaka ngayon ay nagagawa ko na ang gusto ko nang walang nagbabantay sa akin lalo na sa lahat ng mga kinikilos ko. I was so reserved back then pero ngayon ay para akong ibon na nakawala sa hawla at malayang nakakagalaw. I became adventurous too kasi si Reath at ang barkada ay sobrang active person. Mahilig kasi  sila sa iba't ibang activities at halos sinasama nila ako lagi sa mga adventures nila. Hindi ko nga lang inaupdate sa social media ko dahil alam kong magagalit ang parents ko once na malaman nila kung ano ang pinaggagagawa ko during spare time or kapag walang pasok.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant