13

65 0 0
                                    

Akala ko ay mauulit na naman kami sa walang komunikasyon nang makabalik siya sa Maynila pero hindi na yon nangyari dahil halos oras oras ay magkatext o magkatawag na kaming dalawa.

Lahat ng ginagawa niya ay sinasabi niya sa akin at minsan ay ganon din ako sa kanya. He's always updating me on his whereabouts and even his problems on his subjects ay sinasabi niya sa akin kahit hindi naman gaanong mahirap.

Hindi rin nawala ang pagiging sweet niya sa akin kahit sa cellphone lang kami nag-uusap at minsan ay natatawa nalang ako sa mga kalokohan niya.

‘My babe..I love you.' aniya sa kabilang linya na ikinangiti ko naman ng malapad.

Tumawag kasi siya agad nang makarating ako dito sa school at dahil malayo ang main entrance sa building namin ay kailangan ko pang maglakad ng kalahating kilometro makarating lang doon.

“I love you too at mamaya nalang okay? Malapit na ako sa classroom. Goodluck sa class mo today."

‘You too babe.'

Pagbaba ng tawag ay aakyat na sana ako sa second floor kung nasaan ang classroom ko nang biglang may tumawag sa akin.

Nilingon ko naman kung sino at yung isang kaklase ko pala na katabi ko sa first class ngayon which is yung major subject namin.

"Sabay na tayo." Aniya at tumango naman ako.

"Okay." Sambit ko at tipid na ngumiti sa kanya.

It's already our fourth month in college and so far ay nakakapag-adjust na ako sa environment at sa mga bagong kaklase na ibang iba sa mga naging kaklase ko noon. Yung tanging pagkakapareho lang nila ay lahat sila friendly especially itong kasama ko at yung dalawa pang lagi kong katabi sa kahit na anong klase maliban sa major subject.

Makulit silang tatlo at hindi nila ako tinigilan hanggat hindi nila ako naging kaibigan. They are so persistent to befriend me at kung ano ano pang pangungumbinsi ang ginawa nila kaya sa huli ay tinanggap ko rin sila bilang bagong mga kaibigan.

Nang makapasok kami ng tuluyan sa classroom ay isang pares nang pamilyar na asul na mga mata ang agad nahagip ng paningin ko at nakangiting nakatingin sa akin. Nginitian ko rin naman siya pabalik tapos ay binalingan ang katabi kong makulit na tinutusok tusok ang tagiliran ko.

"Ang ganda naman ng ngiting yon. Lapitan mo na girl mukhang kanina ka pa inaabangan."

Hindi ko nalang siya pinansin at nilapitan ang isa pang bagong kaibigan.

"Morning Daine."

"Morning too Reath. Ang aga mo naman." I told him pagkaupo ko sa tabi niya.

Its Kenley and Reath Kenley is his full name. At gaya ng sinabi niya ay naging magkaklase nga kaming dalawa dito. Naging kaibigan ko na rin siya pagkatapos ng ilang beses naming pagkikita tsaka nasa iisang lugar lang kasi kami nakatira at madalas kaming nagkakasalubong sa village so napalapit talaga ang loob ko sa kanya. Ilang bahay lang kasi ang pagitan ng bahay nila sa bagong bahay namin.

Lumipat kasi kami dito sa Centro ng probinsya para madali sa aming lahat na pumasok lalo na sina mom at dad. Masyado kasing malayo yung mansyon kaya nagdecide sila na kumuha nalang ng bahay malapit sa ospital namin.

"I needed to drop my Dad in the airport thats why maaga ako ngayon."

"Ah..bumalik na pala ulit yung Dad mo."

"He's badly needed in the company thats why."

Hindi naman na kami nakapag-usap pa ng husto kasi dumating na yung prof namin at nagsimula na agad itong magdiscuss.

The next days ay mas lalo pa akong napalapit kay Reath at sa mga kaibigan niya kasi madalas na nila akong sinasabay tuwing breaktime or kapag gumagala sila.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now