31

80 2 0
                                    

Supposedly, nasa America na dapat ako but things got complicated again at hindi ako natuloy.

First dahil nga kay Rouver and second..dahil kay Reath na isang linggo na akong hindi pinapansin at kinakausap then lastly, my parents na talagang nakipag-ayos na sa akin.

Sa sumunod kasing araw ay binisita ako ni Mommy at nang dalawa kong kapatid. They apologized to me at gaya ng sinabi ni Tita Reanne ay naging mahigpit lang sila sa akin kasi natatakot silang maranasan ko ang hirap na hindi ko alam na nararanasan na pala nila.

All these years ay akala ko masaya sila. Na akala ko wala silang pinoproblema maliban sa akin but I am wrong.

I am really happy right now being okay with my family again at sobrang nakakagaan ng pakiramdam nang magkapatawaran kaming lahat. I love my family and I really value my family so much. Now that were all okay ay gagawin ko ang lahat para umayos na talaga at bumalik sa dati ang buhay namin.

"Where's Daddy?" I asked them nang hindi makita ang pinakamamahal kong ama.

"He was hospitalized because of heart complication anak. Kahapon lang namin siya dinala. Dapat nga ay kahapon pa kami pupunta dito pero hindi natuloy dahil nga bigla nalang siyang inatake."

"What? Eh bakit niyo siya iniwan? Sinong nagbabantay sa kanya?" I worriedly asked kasi nandito silang lahat.

"Yung asawa ng Ate Viv mo anak. Gusto mo bang sumama sa amin pabalik doon? You're Dad will really be happy to see you." Mom said na katabi ko ngayon habang nakaangkla ang magkabila kong braso sa bewang niya.

"Oo nga baby sis, miss na miss ka na ni Dad. Kung hindi lang yon pinagbawalan na lumabas ay sumama na yon dito." Ate Val said

"Oo naman po, sasama ako." I said at yumakap muli kay mommy.

"I've heared what happened sweetheart. I'm sorry that were not with you when you lost your baby." Mom said kaya napahigpit naman ang yakap ko sa kanya.

"It's fine mom and maybe..hindi pa talaga time para magkaanak ako. Naging pabaya din po kasi ako at hindi ko siya iningatan."

"Ginugulo ka pa ba ng lalaking nanloko sayo? His family cannot be trusted sweetheart kasi minsan na nila kaming naloko sa negosyo. Ang pamilya niya ang dahilan kung bakit muntik nang malugi ang ospital natin at mukhang nasa dugo na nila ang pagiging manloloko."

"He..wants me to get back on his life mom and I'm confused kasi baka gusto niya lang makipagbalikan sa akin para sa yamang makukuha niya." Pinakatitigan naman nila akong tatlo ng sabihin ko yon.

"Sweetheart..hindi sa kinokontra ka nalang namin lagi at kinokontrol pero think of this properly kasi malaki ang posibilidad na yon nga ang dahilan niya. Ilang beses ka na niyang naloko at hindi imposibleng lokohin ka niya ulit. Besides..once you accept him again, there is a big possibilty na gagamitin ka ng ina niya. We want the best for you hija at ayokong makitang nasasaktan ka ulit mas lalo nang ayokong maranasang mahirapan ka. Okay lang na kami wag ka lang."

Mas lalo pa akong naguluhan at ang tanging nagawa ko nalang ay ang hindi umimik.

After the talk ay pumunta na kami sa ospital. And to see my Dad after so many years ay sobrang natuwa ako. I'm a Daddy's girl and I love my Dad so so much.

"Viel anak?"

"Hi Dad.." bati ko sa kanya at mabilis siyang niyakap.

"Oh my princess!"

"I missed you Daddy..." Naiiyak kong sambit pero pinigilan ko dahil baka makaapekto yon sa kanya.

"I missed you too anak and I'm sorry for everything."

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now