45

74 3 1
                                    

Mahirap magpatawad pero kung deserving namang patawarin ang taong nakapanakit o nakagawa ng kasalanan sayo ay magiging madali nalang iyon.

Just like what I did to Reath na deserve ang magbagong buhay at deserve na patawarin sa kabila nang mga kamaliang ginawa niya sa amin. As long as he regret doing bad things to us ay hindi problema sa amin ang magpatawad.

Although nakakalungkot lang na sa kabila nang pagbabago niya ay hindi niya parin magawang tuluyang maging masaya kasi yung babaeng mahal niya ay hindi parin siya binabalikan.

Kung kailan naman kasi minahal na niya si Alionna ng hindi inaasahan ay saka pa ito mawawala sa kanya.

"Babe.."

Tawag pansin ko sa asawa ko na kakauwi lang pagkatapos niyang manggaling sa kumpanya.

It's almost midnight at hinintay ko talaga siya para lang makausap.

It's been four days since that incident happened at hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kinikibo. Iniiwasan niya rin ako pero kapag nanjan ang iba ay nagpapanggap siyang maayos kami.

"Wag ngayon Vieldaine. Pagod ako at baka ano pang masabi ko sayo." Anito saka padabog na isinara ang banyo leaving me behind.

Bagsak ulit ang balikat kong hinayaan nalang siya saka humiga sa kama at tahimik na umiyak.

Galit siya dahil sa mas pinaboran ko si Reath at mas lalong nagalit siya dahil itinago ko sa kanya ang hindi sinasadyang pananakit ng pinsan niya sa akin. I want to explain everything to him pero dahil nga ayaw niya akong pakinggan ay hanggang ngayon ay galit parin siya sa akin.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak at nang magising ako ay mag-isa parin ako sa kama.
I sighed harshly then decided to get up.

Nang makapag-ayos ng sarili ay agad kong pinuntahan ang anak sa kwarto nito pero hindi ko siya natagpuan don kaya bumaba nalang ako dahil narinig ko ang hagikhik nito sa baba.

Naabutan ko naman itong nakikipaglaro sa ama na mukhang wala yatang pupuntahan ngayon.

"Good morning.." bati ko sa asawa nang mapatingin ito sa akin but as usual ay wala akong nakuhang sagot.

Sa halip na pansinin pa yon ay nilapitan ko nalang ang anak na kanina pa ako tinatawag.

"Momma!!" Our son happily said while clapping his hands which made me smile too.

"Good morning little one!" I happily said at hinayaan naman ako ni Rouver na makuha ang anak at mabuhat ito.

Pagkatapos mabuhat ay naglikot naman ito at tinawag ang ama.

"Dada mik!! Da mik!!" Anito sabay turo sa bote nang gatas na nasa lapag lang at nasa tabi nang ama.

Akmang iaabot na sana nito sa bata ang bote nang makitang wala na pala itong laman.

"Wait a minute little bud. Magtitimpla lang muna si Daddy ng gatas mo." Anito at umibis patayo saka pumuntang kusina.

"Hindi parin kayo okay?" Agad naman akong napalingon sa nagsalita. It's Avi at nakasunod naman sa likuran niya ang anak at asawa.

"Hindi eh. Saan lakad niyo?" I asked since mukhang aalis sila at para narin maiwasan ang tungkol sa amin ng asawa ko.

"Sa Park lang mamasyal."

"Oh thats goo--" naputol naman ang sinasabi ko nang makatanggap ako ng isang tawag. It's from Reaths men kaya bigla akong kinabahan.

"Sorry. Excuse me.. Hello?"

‘Mam pasensya na po sa istorbo pero hinahanap po kayo ni boss. Nagising po siya kanina lang.'

"Ganon ba. Sige. Pakisabi na papunta na ako."
I answered to the other line at medyo nakahinga ng maluwag.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now