30

94 2 0
                                    

It's two days before my flight to US when someone just appeared in my front door. I don't know what does she needs and to know that, I had to face her.

Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa maliit na couch ko dito.

"Ano pong kailangan niyo? At paano niyo po nalaman kung nasaan ako?"

"It doesn't matter how hija and I am here to talk to you about something."

"About what po?"

"Gusto ko lang sanang humingi ng pabor sayo. I know it's not appropriate for me to ask this after all the things that happened before but I just want to try. Ikaw lang kasi ang makakatulong sa amin hija."

"Pwede po bang sabihin niyo na kung ano ang pakay niyo sakin? Marami pa po kasi akong gagawin." Sambit ko at hindi maiwasang mainis.

Ganon na ba talaga ngayon? Kung kailan kailangan ka na nila ay saka ka lang nila lalapitan?

"It's about our company and the hospital. Alam kong hindi pa to nasasabi sayo ng anak ko pero ikaw ang kailangan namin para maipagpatuloy parin sa pangangalaga namin ang lahat kasi kung hindi, pati ang kumpanya ng pamilya niyo ay malalagay sa alanganin."

"At anong tulong naman ang maibibigay ko sa inyo Tita? Tsaka hindi niyo ba alam na kinalimutan na ako ng pamilya ko?"

"I know that but maybe after this ay magiging okay na ang lahat. Hija, I'm sorry to say this but you are really needed to marry son no matter what happened. Kung noon ay ginusto lang namin yon para sa pagpapatibay ng pamilya ng bawat isa, ngayon ay ginagawa namin to para sa seguridad ninyo at ng parehong mga kumpanya natin. Kumikilos narin ang kabilang panig para makuha ka pero hindi namin hahayaan yon lalo na ng mga magulang mo."

"Wait a minute Tita. You want me to marry Reath again? At makuha? Nino?"

"Viel hija, ikaw palang ang sinasabihan ko nito bukod sa mga magulang mo pero diba kilala mo ang pamilya ng mga Ozbinia at sa mga nalaman ko ay naging magkasintahan kayo ng nag-iisa nilang anak na lalaki?" Aniya at hindi ko naman inaasahan yon.

"Y-yes before but what about them?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Ang nanay ng batang yon ay kapatid ng Tito mo, kakambal niya. Hindi sila nagkakamabutihan dahil sa mga ipinamana sa kanila kasi gusto ng kapatid ng Tito mo na akuin at mapunta lahat sa kanya. She knows about the will of my father in law and what it's contents pero yung pinakahuling nakasulat sa will ay noong nakaraang buwan lang namin nalaman lahat including her." She said na ikinagulat ko naman.

Is that mean na magpinsan si Reath at si Rouver? Kaya ba magkamukhang magkamukha sila kasi iisang dugo ang nanalaytay sa kanila? Tito Kenneth and Mam Camila are identical twins thats why Reath and Rouver exactly looks like them!

"At yon ay dapat pakasalan ako Tita? Ganon ba?" Sambit ko nang marealize ang mga sinabi niya.

"Yes because you are the youngest as well as you are the last heiress in your family as of this time. Nakasulat kasi doon na kailangang pakasalan ng susunod na magiging tagapagmana ang pinakahuling babaeng Insuella upang mapunta sa kanya ang kumpanya at iba pang ari arian."

Is this the reason why Rouver keeps on bothering me this past weeks? Nawala rin bigla ang asawa niya sa eksena and one time nang hindi sinasadya ay nakasalubong ko ang nanay niya at nagsorry nalang ito bigla sa akin.

"Please hija, I want you to think about this. The Ozbinia's are now doing their move and hindi ko alam kung gaano katoto na hiniwalayan ng anak ni Camila ang asawa nito para lang dito. I know it has a big possibility na gagawin nila yon para sa yamang gusto nilang makuha at alam kong ikaw ang pagtutuunan nila ng pansin ngayon." She added which made me gasp in shock.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon