21

82 1 0
                                    

Pagkatapos naming mananghalian ay umalis saglit si Rouver para kumuha ng mga gamit ko. I have already decided at dito muna ako sa kanya. I know thats a dumb decision but ayokong bumalik sa amin kung paulit ulit lang nila akong gagawing sunod sunuran.

Dahil parin sa pagod ay nakatulog ulit ako at nagising lang ako dahil sa ingay ng cellphone ko.

It's my mom at hindi ko sana ulit sasagutin pero hindi ito tumigil sa kakatawag which made me really annoyed.

‘Sa wakas naman ay sinagot mo na ang tawag ko! Nasaan ka ha?? Ang lakas naman ng loob mong takasan ang responsibilidad mo! Ito na nga lang ang maitutulong mo sa negosyo tapos hindi ka pa susunod? Anong klase kang anak?!'

Bungad nito sa akin na ikinakuyom naman ng kamao ko.

Responsibilidad? So responsibility ko na pala ngayon ang pagpapakasal sa taong hindi ko naman gusto?

"Responsibilidad mom? Naririnig niyo ba yang sinasabi niyo?? Paano naman yung nararamdaman ko ha? Hindi niyo manlang icoconsider yon? At lagi nalang bang negosyo niyo ang mahalaga sa inyo??"

‘Huwag mo kong sinasagot ng ganyan Vieldaine! I am your mother kaya kahit anong gusto ko ay susundin mo! At bakit? Ikaw din naman ang nakikinabang dahil napag-aaral ka namin dahil sa negosyo!'

"Yes nakinabang din ako oo pero obligasyon niyo po yon bilang magulang ko! And mother? Really mom? Nagpakananay po ba kayo sakin? Kailan? Bakit hindi ko naramdaman kasi puro nalang kayo negosyo! Puro nalang kayo si Ate Val! Si Ate Viv! Paano naman ako?! And if your really my mother you should consider my feelings too! You promised to me mom! Sinabi mo na kapag nakatapos ako nang nursing ay hahayaan niyo na ako sa gusto ko pero ano to? Kokontrolin niyo na naman ang buhay ko? I won't let you mom! Hinding hindi na!"

‘Walang hiya kang bata ka! Kanino mo natutunan ang pagsagot sagot sa akin ha? May lakas ng loob ka na ngayon dahil lang tapos ka na sa pag-aaral mo?? Bakit? May ipinagmamalaki ka na ba ha? Itong tatandaan mo Vieldaine, sa oras na hindi ka magpakita sa amin ngayong araw ay wala ka nang babalikan pa! I will disown you and I don't care kung saan ka man pulutin!! You're just only a disgrace to our family!!'

"Mas mabuti pa nga kasi kahit kailan ay hindi niyo naman ako itinuring na myembro ng pamilya!" I shouted at mabilis na pinatay ang tawag saka napahagulgol nalang.

Ang sakit!! Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit dahil sa lahat ng sinabi ni mommy. Akala ko magiging maayos na kami pero hindi parin pala!

Anong klase siyang ina?? Wala manlang ba siya ni katiting na pagmamahal sa akin?? Oh dear God! Why do I have to have a family and a mother like her?? Ganon na ba ako nakakahiyang anak dahil lang sa wala akong naitutulong sa kanila?? Ginawa ko naman ang lahat nang makakaya ko ah pero bakit kulang parin??

I just cried and cried my heart out at kung hindi pa dumating si Rouver ay hindi pa ako nahimasmasan.

"What happened babe? Bakit umiiyak ka?" Rouver asked pero umiling lang ako at mahigpit siyang niyakap.

"Is it because of your family? Babe please tell me." Ulit niya saka hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang takas na luha sa mata ko.

"I-It's mom..she..called me awhile ago at kung hindi ako magpapakita sa kanila ngayon ay itatakwil nila ako."

"What? She said that to you?"

"Oo..alam ko namang kahit kailan ay hindi nila ako itinuring na anak at anong pinagkaiba non kung itatakwil nila ako? Mas mabuti na nga yon kaysa ang makasama sila at gagawin lang nila akong aso na laging sunod sunuran sa kanila."

"Don't worry babe. I am here. Kasama mo na ako ngayon at ako na ang magiging pamilya mo." He said as he hugged me tighter.

"Thank you for being here for me Rouver. Ikaw nalang ang meron ako at kung wala ka ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin."

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now