22

80 0 0
                                    

After that encounter with Reath from the other day ay lagi na akong hindi mapakali. I became anxious too at lagi nalang akong kinakabahan sa tuwing papasok sa ospital which I shouldn't be. I just don't want to have an encounter with him again kasi baka gumulo na naman ang buhay ko.

"Girl! Narinig mo na ba ang balita? May bagong doktor daw na papalit kay Doc Sanchez and guess what? Papabol daw!" Troy said na siyang kasamahan ko rin dito sa ospital.

It's our 15 minutes breaktime at kaming dalawa lang ang nandito sa lounge namin.

"Ang chismosa mo talagang bakla ka. Saan mo na naman nasagap yan?" I asked at pilit na kinakalma ang sarili.

Wag naman sanang siya.

"Kay Nurse Jen! Mas chismosa yon sakin eh! At eto pa ang chismis! Single daw ang lolo mo!"

"Tsk. Eh ano naman ngayon?"

"Magduduty daw siya ngayon at balita ko ay isa siyang cardiologist at kasama daw siya sa mag-oopera sa pasyente mo mamaya kaya makikita mo siya!" Anito at mas dumoble naman ang kaba ko dahil don.

Sana talaga mali ako ng iniisip!

Nang matapos ang break ay naghanda na ako para sa susunod kong trabaho which is ang pag-aasist sa doktor sa operating room. Gusto ko nga sanang makipagpalit kay Troy pero hindi ko nalang itinuloy dahil nangako ako sa pasyente ko na isa ako sa mga sasama sa pag-oopera sa kanya.

Bago ang operation ay nagmeeting muna ang lahat sa conference room at sobrang nakahinga ako nang maluwag dahil hindi yung inaasahan kong tao ang nandito. Pero, isa din siya sa malapit kong kaibigan.

"Don't be nervous Viel, ako lang to hindi siya. Nice to see again by the way."

Bulong niya na ikinagulat ko naman.

"What are you talking about?" Pagmamaang maangan ko pero ngumisi lang siya sakin. Bakit ko ba nakalimutan na isa siya sa mga taong kilalang kilala na ako?

"Later my lady." Anito at buti nalang dahil walang nakakapansin sa amin kundi baka machismis na naman ako which I don't care kasi wala naman kaming ginagawa. Sa akin kasi siya tumabi at parang kaswal lang siya kung kumilos which is so new.

"By the way everyone, this is Doctor Frigel Nixton Derialle who will be with us in the operation." Pagpapakilala ng head surgeon sa amin at isa ring Cardiologist.

Binati naman si Nixton ng lahat at nakisali narin ako don pero ang loko seryoso lang na tumatango. Napataas naman tuloy ang kilay ko dahil don.

Kolokohan ng lalaking to? Kung hindi ko lang to kilala ay maiintimidate na siguro ako. May professionalism din pala tong tinatago.

The operation went for about four hours at ito ang pinakamaikling operating session na kasama ako kaya lang hindi ko alam kung bakit sobrang pagod na pagod ako. Sanay naman na ako sa ganito pero ewan ko ba at parang dumoble ang pagod ko ngayon at parang gusto ko munang matulog. Siguro dahil kaunti lang ang pahinga ko simula pa kahapon.

"Nurse Insuella, can I have a word with you please?" Sambit ng head nurse namin na kasama rin sa operation kanina.

"Bakit po Nurse Layla?" Sambit ko at sumama sa kanya sa loob ng opisina niya.

"Pwede ka bang mag-extend hanggang mamayang 10 pm? Wala kasing mag-aassist kay Doc Derialle sa rounds niya mamaya sa ward ninyo at kung pwede sana na ikaw muna? Wala ka naman sigurong ibang lakad mamaya diba?" Tanong niya at umiling naman ako kasi wala rin naman akong kasama sa bahay ngayon dahil umalis si Rouver at hindi ko na naman alam kung kailan siya babalik. I don't even know where is he because he never replied on my messages. Kahit nga ang tawag ko ay hindi niya sinasagot.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon