42

87 3 0
                                    

Nakasimangot na mukha nang asawa ko ang bumungad sa akin nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto namin dito sa bahay.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang magbakasyon kami sa hacienda nina Drustin at dahil weekend ay walang trabaho itong asawa ko.

"What's with the face babe?" Kunot noo ko namang tanong sa kanya na mas lalo pa niyang ikinasimangot.

"You have a visitor. Naghihintay siya sa sala."

Pagkasabi niya nito ay agad siyang tumalikod at pumasok sa nursery kung nasaan ang anak naming pinabantayan ko saglit sa isang kasambahay.

Nagtataka man sa ikinikilos niya ay hinayaan ko naman siya at agad bumaba para malaman kung sino ang bisita na ayoko namang paghintayin.

Pagkapunta sa main living room ay agad lumiwanag ang mata ko nang makilala kung sino ang bisita.

"Nixton!!" Hiyaw ko at patakbong lumapit dito saka siya sinugod nang mahigpit na yakap.

Gosh! I missed this man so much! Mahigit isang taon ko rin siyang hindi nakikita nang personal!

"Easy there baby Viel. Did you missed me that much..hmm?" Aniya kaya itinigil ko na ang pagyakap sa kanya tapos ay sinagot siya.

"Yes, super!! Kailan ka dumating? Bakit hindi ka nagsabing dadalaw ka?" Tanong ko saka hinila siya para makaupo kami.

"It's a surprise kaya syempre hindi ko sasabihin sayo. Kahapon pa ako nandito pero hindi muna ako dumiretso dito kasi napagod ako sa byahe." Sagot niya at nagpatianod lang sa akin.

"Ganon ba? Hanggang kailan ka dito? Magtatagal ka ba? At kamusta ka na? Hindi ka na tumatawag sa akin since last month a? May nangyari ba?" Sunod sunod ko ulit na tanong sa kanya.

"Everything is fine baby. It's just that I became busy on my medical mission at tinapos ko agad ang trabaho ko nang mas maaga para mas magtagal ako dito. Tsaka hindi narin ako tumawag para hindi ko masabi sayong dadalawin kita. I filed an indefinite leave and I will be here for two months." He said but I know better and I think something is really wrong. Nahihimigan ko kasi sa boses niya habang nagsasalita siya.

Tinaasan ko naman siya nang kilay bago siya muling tinanong.

"Seriously Nix? Alam kong may mali so tell me. Kilalang kilala kita at hindi mo ako maloloko."

Umiwas naman siya nang tingin sa akin at pagod na isinandal ang likod sa sofa saka napayuko habang hinihilot ang sintido.

"I was kicked out in our own company by my family and they leave me nothing not even a single penny. Binantaan din nila akong tatanggalan ng lisensya kung susubukan kong pumasok sa kahit na anong ospital sa Pilipinas o sa kahit na anong trabaho. Nalaman kasi nila ang pakikipagtulungan ko sa pamilya niyo kaya nila ginawa yon sakin. Ni hindi nila ako pinagpaliwanag at naniniwala parin sila sa kasinungalingang sinasabi sa kanila nang mga Reysmond. Mabuti nalang at kahit papaano ay may naipon akong pera kaya nakapunta ako dito ngayon."

Sambit niya na ikinasinghap ko naman.

"H-How..how can they do that to you? Anong klase silang pamilya? Anong klase silang magulang?" Sambit ko at hindi na naiwasan pang magalit.

How cruel they are?? Dahil lang sa nagmamagandang loob si Nix sa ibang tao ay gagawin nila yon?? And d*mn it! Bakit kahit nakakulong na ang mga Reysmond ay nagagawa parin nilang manggulo?

"I tried to explain everything to them pero sarado na ang isip nila and even..even the gang was mad at me nang malaman nila ang pagpapakulong ko kay Ken. Kahit sayo ay galit na galit din sila." Naikuyom ko naman ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now