7

90 2 0
                                    

Why is he sitting beside me? At bakit hindi ko manlang napansin na siya na ang katabi ko?

"Beshy, si Celrix nalang jan sa tabi mo ah kasi gusto kong makita ng husto yung dadaanan natin." Anito at pasimpleng kumindat sa pinsan ko na nakita ko parin naman.

What the hell!

Sinamaan ko nalang tuloy sila ng tingin. Alam nilang hindi kami okay ni Rouver kaya ganito nalang ang inaasal nila. Mukhang pinagplanuhan nilang dalawa ito at humanda sila sa akin mamaya!

"Viel.."

"Don't talk to me." Matigas kong sambit at pilit sanang umiwas sa kanya pero hindi ko naman magawa kasi wala akong mapupuntahan at mauupuang iba bukod dito. Kapag nakipagpalit naman ako ng upuan ay alam kong magtataka ang mga kasama namin dito kaya magtitiis nalang akong makatabi siya ngayon.

Akala ko ay magpupumilit pa siyang kausapin ako pero ipinagpapasalamat ko na hindi na siya nagsalita pa.

Apat na oras ang byahe papunta sa pag-aoutingan namin at dahil mahilig talaga akong matulog sa byahe ay nakatulog ako agad. I slept almost half of the ride at nagising lang ako nang marinig kong sumisigaw ang katabi ko.

"I told you, hindi ko na siya sasamahan pa! At wala akong pakialam sa kasunduan niyo ni ninong!"

Sino namang kaaway ng lalaking to? Tsk. Naistorbo tuloy yung tulog ko. Kainis!

I just ignored him and glanced at the outside and saw na nakastop over pala yung bus at bumaba lahat ang nandito maliban sa amin ni Rouver.

Okay? Hindi manlang ako ginising ng bestfriend ko o kahit ng pinsan ko para makababa. That two really? Lagot talaga sila sa akin mamaya. Lagi nalang nila akong pinagtitripan.

"Viel, can we talk?"

Narinig kong sambit niya pero hindi ako nagsalita.

"Please Viel, let me just explain." He pleaded and then held my hand without my permission. Tatanggalin ko sana ito pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin kaya hindi ko nagawa.

"Please please Viel.."

"Fine! Just let my hand go!" Sambit ko pero hindi parin niya ako binitawan hanggang sa sumuko nalang ako at hinayaan nalang siya.

"I'm really sorry for not showing up that time. Ang sabi kasi ni mom, may nangyari sa kapatid ko kaya imbes na puntahan ka ay umuwi ako sa amin just to find out that it's not real. My sister is fine and my mom purposely did that para lang samahan ko si Gail na gusto lang lumabas. I got angry to my mom at nang puntahan na kita don sa lugar na pagkikitaan natin ay wala ka na." Paliwanag niya and that makes sense kung bakit galit sa akin ang babaeng yon.

"So sinasabi mong kasalan ng mom mo na hindi mo tinupad yung usapan natin? Eh kung ganon, bakit hindi mo ko tinawagan?"

"It's because my phone got broke kasi tinapon ko dahil sa galit ko. I'm really sorry Viel. Promise hindi na mauulit yon. Please patawarin mo na ako kasi hindi ko kayang ganito ka. Na galit ka sakin." Nanunuri ko naman siyang tiningnan and I saw sincerity while he explained that.

"Wag kang mangako at gawin mo na lang kasi ang ayoko sa lahat ay manloloko at sinungaling." Sambit ko na ikinaliwanag naman ng mukha niya.

"That means okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?" Hindi mo na ko iisnobin?"

"Obviously.." sambit ko at pasalamat siya kasi mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya. Wag niya lang ulit gagawin yon kung hindi ewan ko nalang.

After we cleared things up ay naging okay na nga talaga kami at bumalik na yung makulit at clingy niyang side. Binilhan niya rin pala ako ng snacks kaya hindi na ako nakababa pa ng bus para bumili.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now