24

70 0 0
                                    

I wasn't feeling well when I woke up the next day thats why after breakfast, I've fallen asleep again.

Then as I am peacefully sleeping, I felt that someone is snuggling and kissing me. I ignored it at first but when I realized it ay agad akong napamulat ng mata at nasorpresa nang mapagsino ang gumagawa nito.

"Rouver?"

"Hi babe. I missed you.." aniya at mas nagsumiksik pa sa akin.

He missed me? Really?

"You do? Pero bakit ngayon ka lang umuwi at hindi mo manlang ako tinatawagan?" I asked coldly

"I got busy form work then may biglaan kaming conference sa ibang bansa kaya hindi na ako nakatawag sayo." Aniya at napatitig naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

So uuwi siya dito kung gugustuhin niya at aalis lang din ng walang paalam tapos masosorpresa nalang ako na nakabalik na pala siya ganon?

Hindi nalang ako sumagot kasi baka mag-away pa kami kung kukuwestyunin ko pa siya.

"Lets cuddle more babe, I wanted to feel that you're really here beside me." Aniya at hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin tapos ay muli akong nakatulog nang hindi ko namamalayan.

When the evening came ay nag-aya siyang lumabas kami pero hindi ako pumayag dahil kailangan ako sa ospital. Ayaw pa nga sana niya akong paalisin pero nagpumilit ako dahil maraming pasyente na naghihintay sa akin.

Tsaka buti nga at alam niyang trabaho ang pupuntahan ko eh siya? Alam ko ba kung trabaho ba talaga ang pinupuntahan niya?

"Nurse Viel, assist the patient on that side please. Papunta palang si Doc Cortez para tingnan siya. Hindi siya kasali sa aksidente pero kailangan siyang unahin dahil masama ang lagay niya." Tumango naman ako sa utos ng head nurse at agad pinuntahan ang pasyente pagkatapos kong tulungan ang dalawang babae na nadamay din sa aksidente kanina.

Nang makalapit dito ay agad akong napasinghap ako ng makilala ito.

"Kuya Jex?" Sambit ko at napatingin sa bugbog sarado niyang mukha at sa marami niyang sugat sa katawan.

"Ha? Sino yon? At sino ka? Nasaan ako?" Anito at nakatikim naman siya ng mahinang sapak sa akin na nasaktohan pa sa pasa niya sa braso.

"Oops! Sorry kuya!" I said at nagpeace sign sa kanya.

"Viel naman! Puro pasa at sugat na nga ako tapos dadagdagan mo pa! Ansama mo talaga sakin!" Reklamo niya at naparolyo nalang ako ng mata.

"Ikaw naman kasi! Hindi naman nabagok ang ulo mo para mawalan ka ng alaala! Pero teka nga, anong nangyari sayo at nagkaganito ka? Nakipag-away ka ba?" I asked at nilagyan ng first aid ang mga sugat at pasa niya.

"My father happened again thats why." Aniya

"What? Akala ko ba kinalimutan ka na non? Anong nangyari?"

"Akala ko nga rin pero nagulat nalang ako na pinabubugbog niya ulit ako. Nagalit siguro dahil nauungusan ko na siya sa negosyo."

"Tsk. Ansama talaga ng tatay mo at alam ba to ng asawa mo kuya?"

"Not yet. Ayokong mag-alala yon kaya kung pwede pakibilisan na ang paggamot sa akin at nang makauwi na ako."

"Kailangan ka pang icheck ng doktor kaya wag kang magmadali." Sambit ko at sakto namang dumating na yung doktor.

Wala namang problema sa kanya at hindi naman siya kailangang iadmit dahil hindi naman gaanong malala ang inabot niyang pasa at sugat.

"Alam mo kuya, ipakulong mo nalang yang tatay mo para wala ka nang problema." I told him at sinundan siya hanggang sa tapat ng hospital.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now