23

68 0 0
                                    

Gaya ng inaasahan ko ay kami nga ang naging usapan sa ospital kinabukasan pero hindi ko nalang sila pinansin kasi wala rin naman akong mapapala sa kanila. May narinig pa nga akong kumakalat na kung anu-anong kwento at natatawa nalang ako kapag naririnig yon.

"Girl! Famous ka na naman! Is that truelaloo na hinatid ka ni fafa doc kagabi? Make kwento na dali habang wala pang mga marites dito maliban sakin!" Troy said nang makita agad ako.

"Yes thats true and he's a very close friend of mine kaya hinatid niya ako kagabi." Bored kong sambit at nagulat naman siya don.

"Huwhat?? Friendship kayo ni fafa doc ko? Why didn't you make savee to me kahapon?!"

"Do I need to?"

"Oo kaya! Pero girl! Wala ba talaga yong gf? As in single talaga ang fafa doc ko?"

"Hindi ko alam. Kahapon lang kami nagkita ulit tsaka wag mo nang pangarapin ang lalaking yon! Hindi ka niya type kasi wala kang boobs!"

"Grabe ka naman girl pero crush ko parin siya! Ang gwapo niya kasi at sobrang hot pa!"

"Ewan ko sayo! Magtrabaho na nga tayo!" Sambit ko at iniwan na siya saka pinuntahan ang ward na nakaassign sa akin ngayong araw.

I've became very focused on work throughout that day na hindi ko na naalalang hindi parin ako tinatawagan ni Rouver. I'm afraid to think about it but I felt like inalok niya lang ako ng kasal para hindi ko siya pagdudahan pa gaya ng pagdududa ko noong nakaraang buwan.

Hindi ako manhid kaya alam ko..alam kong may ginagawa siyang hindi tama habang hindi kami magkasama pero dahil nagpapakatanga ako at ayaw ko siyang mawala sa akin ay hinahayaan ko lang siya. Hanggat kaya kong tiisin ay titiisin ko para lang manatili siya sa tabi ko.

"Why didn't you have your lunch? Hindi ka ba nagbreak kanina?" Nix asked at umiling naman ako.

"Nakalimutan ko lang sa dami ng iniisip kanina."

"Still hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Tsaka bakit ang tamlay mo? May problema ka ba?" He asked at umiling naman ako.

"Nothing. Salamat nga pala sa libreng lunch. Balik na ako sa trabaho." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Don't work too much Viel. Anyways, mamaya ah wag mong kakalimutan yung dinner natin." Pagpapaalala niya

"Okay! See you later Nix!" Sambit ko at pinasigla pa ang boses para hindi niya mahalatang may pinoproblema ako.

Mabilis natapos ang buong maghapong trabaho at kinagabihan ay sabay ulit kaming umalis para makapagdinner kami gaya ng muling pangako ko sa kanya. I wanted to atleast breathe for a while kasi kung hindi ko to gagawin ay baka magbreakdown na naman ako. And besides, gusto ko ring malaman kung ano ang nangyari noon sa kanila nang mawala ako.

Last night, when I heared what happened to him three years ago ay parang hindi ako makapaniwala. I know hindi matuturuan ang puso pero sana manlang sinabi nalang ni Elle at Jeshua ang lahat kay Nix ang lahat para hindi ito umasa. Maski ako nga ay akala ko mahal narin ni Elle si Nix yon pala ay hindi. Tapos kinasabwat pa nilang dalawa sina Cy at Ely kaya ang resulta nagalit din si Nix sa kanila. Sino ba namang hindi eh parang pinaglaruan nila ang tao.

Me and Nix are somehow the same. Parehong niloko ng taong malalapit sa amin. Ang pinagkaiba lang, mas masakit yung nangyari sa kanya kaya hindi ko rin siya masisisi though maybe may rason din sila kung bakit nila nagawa yon.

"Did you already moved on Nix?" I asked him nang muli naming pag-usapan ang pinag-usapan namin kagabi sa gitna ng pagkain.

"I don't know but when I saw them again after so many years, parang tanggap ko na na sila. Masaya na ako para sa kanila. I am open to forgive them and to reconcile with them." He answered na hindi ko naman inaasahan.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now