8

84 2 0
                                    

Nang hindi ko na talaga kaya pang makisali sa kanila ay nagpaalam na akong mauunang bumalik sa kwarto namin. Maaga pa sana pero pagod na pagod na talaga ako at sumasakit narin ang ulo ko kasi umaatake na naman ang migraine ko.

"Ahm, guys..pwedeng mauna na ako? Iinaantok na kasi ako." Paalam ko sa kanila.

"Ang aga pa kaya besh. Dito ka muna." Reyda said pero umiling ako.

"Napagod kasi ako sa kakalibot kanina eh. Enjoy lang kayo dito." I said and they all frowned.

"Kaya hindi ka nag-eenjoy sa buhay e. Kahit isang oras pa besh." Faylee added pero hindi na talaga ako pumayag pa. Alam nilang hindi ako mapipilit once na tumanggi na ako sa pangalawang beses.

"Sorry guys. Babawi nalang ako next time. Promise." I said na ikinailing nalamang nilang lahat.

"Ihahatid nalang kita sa kwarto niyo Viel." Rouver said which I protested.

"No need. Just enjoy here with them. Mauna na ako." Huling sinabi ko bago nagmadaling umalis kasi sobrang sakit na talaga ng ulo ko at kailangan ko nang makainom ng gamot. Bakit ba kasi ngayon pa ako sinumpong.

Papikit pikit akong naglakad pabalik sa hotel room namin kaya hindi ko naman namalayan na may nakabangga na pala ako at sabay pa kaming napasalampak sa lupa.

"Sorry, pasensya na." Agad na sambit ko

"It's okay miss. Ako nga dapat ang magsorry kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Okay ka lang ba?"

"Okay lang--"

Hindi naman natuloy ang pagsasalita ko at napasinghap nalang dahil sa mukha ng lalaking kaharap ko.

He looks like...

"Miss? Okay ka lang? Halika at tulungan na kitang tumayo."

"Okay lang ako. Uhm kaya ko na." I said at tatayo na sana pero mukhang na sprain pa yung paa ko kaya sa huli ay tinulungan niya na akong makatayo.

"You sprained your ankle. Tara at ipagamot natin yan sa clinic."

Hindi na ako nagprotesta pa kasi medyo masama talaga yung pagkakasprain ng paa ko tsaka mukhang harmless naman siya.

Mabuti nalang at malapit lang yung clinic na sinabi ng lalaki kaya hindi rin siya nahirapang dalhin ako don.

"Salamat..uhm. Pwede mo na akong iwan dito. Kaya ko namang bumalik sa hotel room ko."

"Sigurado ka? Pasensya na at dahil sakin kaya ka nagkaganyan. At uhm, Kenlee nga pala. May katawagan kasi ako kanina kaya hindi kita nakita agad." Aniya sabay nagpakilala pa sa akin.

Hindi ko ugaling magpakilala sa iba pero magaan ang loob ko sa kanya kaya nasabi ko rin ang pangalan ko.

"May kasalanan din ako kaya okay lang talaga. I'm Vieldaine by the way."

"Nice to meet you Daine pero okay ka na ba talaga?" Aniya at medyo nagulat ako sa tinawag niya sa akin. His the first one to call me that kaya nagulat talaga ako.

"Ahm..yup. Sabi naman ng doktor ay hindi naman malala yung inabot ng paa ko. Salamat narin sa tulong Ken. Naabala pa kita." Sambit ko sabay iwas ng tingin sa kanya kasi nakakadistract yung mukha niya.

"You know what, samahan na kita pabalik sa hotel room mo. Baka ano pang mangyari sayo sa daan at lumala pa yang sprain mo. Sige na." Aniya pero umiling ako. Baka makita pa siya ng iba lalo na ni Rouver at baka ano pang mangyari.

Sa huli ay hinayaan nalang niya ako at nagpaalam nang aalis na. Mukha din kasing nagmamadali siya.

Nang mawala na siya ay sobra akong napaisip at nagtaka.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon