37

97 1 0
                                    

Immediately after everything was settled with my parents ay ikakasal na nga ako sa lalaking mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako. Hindi man ito ang kasal na pinapangarap kong mangyari pero ang mahalaga ay siya ang pakakasalan ko.

No matter what problems and hurdles came in our way together ay hindi ko aakalain na kami parin talaga ang ikakasal sa huli. Na kami parin talaga ang magsasama at bubuo nang pamilya.

Sa tulong nang koneksyon at sa kaibigang Mayor ni Rouver ay mabilis kaming naikasal na dalawa as intimate as we wanted.

"I love you so much my beautiful wife." Rouver uttered as he kissed me fully in lips after the Mayor announced that we are now husband and wife.

Napuno naman nang kasiyahan ang puso ko at hinalikan din siya pabalik dahilan para maghiyawan naman ang mga kasama namin dito sa Mayors office.

"Woo!! Mabuhay ang bagong kasal!!" Sigaw ni Klynn na kanina pa nag-iingay.

"Hey guys! Isave niyo na yan sa honeymoon niyo! May reception pa baka nakakalimutan niyo!" Dugtong naman ni Rel dahilan para patigilin ko na si Rouver sa halikan namin. Agad naman itong nagreklamo at sinamaan ng tingin ang pinsan ko.

"Hoy lalake! Baka nakakalimutan mo na buntis na yang anak ko?" Dad interrupted which made the others gasp in surprise.

"The hell dude! Talagang inuna mo pang buntisin ang asawa mo bago pakasalan?" Sabi ni Mayor Hanther Zomino na matagal nang kaibigan nitong asawa ko.

Asawa ko?

Oh deym! Bakit ang sarap sa feeling na tawagin ko nang asawa ko si Rouver? Gosh!

"Wow naman dude makapagreact ka parang hindi mo rin yan ginawa sa asawa mo!" Sambit naman ni Kuya Roz na isa rin sa matagal nang kaibigan ni Rouver.

"Mga gago, parepareho lang naman kayo!" Anang asawa ni Kuya Roz at marahang sinapak ito sa dibdib.

They are having a vacation but because they heared about our sudden wedding from Mayor Hanther ay sopresa silang dumalo dito ngayon.

Natawa nalang tuloy kaming lahat na nandoon then umalis na kami sa munisipyo at tumuloy sa nirentahang restaurant namin para sa simpleng kainan.

"Congratulations to the both of you guys! Finally at naikasal narin kayo! Grabe ha! Akala ko talaga hindi na mangyayari to!" Bati naman ng bestfriend kong si Winter na kaisa isang babaeng kaibigan kong nakadalo ngayon since Reyda and Faylee are both busy with their respective works.

"Thanks besh at salamat kasi nakapunta ka kahit sobrang layo pa nang pinanggalingan mo." Sambit ko at niyakap siya.

"Hay naku besh! Nakaschedule na talaga akong umuwi since malapit na ang opening ng business namin ng pinsan ko! Pero uuwi parin naman ako incase kasi aba! Ayokong mawala sa kasal nang number one otp ko! Dapat present ako!" Malakas na sambit nito na ikinatawa naman naming mag-asawa.

"Thank you for supporting us until now Wintz. Anyway, how about you? Kailan ka ikakasal?" Rouver asked her na ikinaasim naman nang mukha niya.

"Oo nga besh? Ilang taon na nga ba kayo noong boyfriend mo? Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?" I added which made her groaned in annoyance.

"Wag niyo ngang babanggitin ang lalaking yon! Naiinis lang ako!" Anito kaya tinaasan ko naman siya nang kilay.

"Oh? Why? Nag-away ba kayo?" I asked curiously.

"Inaway ko siya kasi puro nalang siya trabaho at nakakalimutan na niya ako! Biruin niyo ba naman at kinalimutan niya yung anniversary namin??" She answered

"Paanong nakalimutan eh diba nga walang anniversary o monthsary niyo na hindi niya nakakalimutan?" I told her.

Mahal na mahal kaya siya nung boyfriend niya na sobrang laki nang pinagbago nang maging sila.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now