43

83 2 0
                                    

The news of Nixton having his own family really shocked me but what shocked me more is that kilala ko ang babaeng naging asawa niya.

Ang liit nga talaga ng mundo at tadhana nga naman.

"Akala ko ba hindi mo papatulan? Sinabi mo pang malayo sa standard mo ang lalaking yon pero anyare friend? Narealize mo bang tama ako?" I told Avi na nirolyohan lang ako nang mata.

She is Nixton's wife and another friend of mine. Nakasama ko kasi siya sa trabaho noon sa ospital at medyo naging kaclose ko siya dahil madalas ay siya ang kasama ko kapag panggabi ang duty ko sa noon.

"Makatukso ka kasi noon sa amin ayan tuloy at nauto ako."

"Nah..alam ko namang crush mo si Nix kaya ganon. Nahuli pa nga kitang laging sumusulyap sa kanya at pasimpleng kinukuha ang atensyon niya." Nakangising sambit ko sabay sinusundot sundot siya sa tagiliran.

"Tss! Oo na! Kasi naman no! Sinabi ko lang noon na malabo ko siyang magustuhan kasi galit ako sa kanya noon. We had actually a past pero dahil mas gusto niya si Elle noon ay iniwan niya ako sa ere. Ni wala kaya kaming proper break up noon bago siya nanligaw sa kaibigan niyo." She said and again ay nagulat ako.

"What?? Totoo?? Naging kayo na pala noon?"

"Oo. Madalas siyang nasa Maynila noon kapag bakasyon at dahil nasa iisang subdivision lang ang bahay nang pinagtatrabahuhan nang nanay ko at bahay nila ay nagkakilala kami at naging kami kalaunan. Yun nga lang nang umuwi siya, ayon hindi na niya ako binalikan."

"Wow! I can't believe this! Looks like kayo talaga ang itinadhanang dalawa kasi magkasama na ulit kayo ngayon!"

"Kaya nga eh at sobrang thankful ako don. Tsaka tingnan mo naman at may bonus pang anghel." Aniya at sabay naman kaming napatingin sa anak niyang nasa play mat at nakaupo habang nakikipaglaro naman ang anak ko sa kanya.

My son is almost eight months old while her son is seven at parehong kaya nang umupong mag-isa kaya nakakapaglaro na silang dalawa.

"Our boys are cutely playing with each other." I said and she agreed.

"Kaya nga eh..but anyways Viel..salamat sa pagpapatuloy sa amin dito ah. Maswerte kami at may kaibigan kaming gaya mo."

"Wala yon Avi tsaka hindi narin iba si Nix sa akin. He's like a big brother to me at pamilya na ang turing ko sa kanya. Tsaka tama lang ang desisyon niyang umalis kayo sa Pilipinas kasi gulo lang ang matatanggap niyo doon. Kapag nandito kayo ay makakapagsimula kayo ulit gaya namin."

"Oo nga eh. Pero speaking of simula, may alam ka bang pwedeng pasukan dito? Alam mo namang ayokong mastuck lang sa isang tabi at gusto kong magtrabaho. Tsaka gusto ko ring tulungan si Nixton kahit papaano."

"Oh! Trabaho ba kamo? Actually me and Rouver is on the verge of opening a children's care center since ayoko ring maburyo dito sa bahay kaya lang I was still in a search for a partner to manage it. Hindi ko kasi kayang ako lang mag-isa since may sariling kumpanya din ang asawa kong hinahawakan. Yung isang kaibigan ko sana ang balak ko kaso hindi siya pwede so, pwede ka ba?"

"Talaga?? Oo naman pwedeng pwede ako! Kailan ba magbubukas?"

"Great! Hulog ka nang langit Avi! In time kapag natapos na ang construction ng center which I think magtatagal pa ng two or three months ay makakapagsimula na tayo. Excited na akong makasama ka!"

"Friend, ikaw ang hulog ng langit dito ano ka ba!"

"Tayo nalang dalawa ang hulog ng langit sa isa't isa para fair!"

"Oo na nalang! Haha!"

Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa at dahil isang araw palang silang nandito ay marami talaga kaming napag-usapan.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon