9

68 2 0
                                    

Sa buong oras na nag-aagahan kami ay puro panlalandi lang sa akin ang ginagawa ni Rouver. Banat siya ng banat at madalas ay bumibenta talaga sa akin kaya halos lagi na akong namumula.

Ngayon palang na hindi pa kami ay napaka PDA na niya how much more kapag sinagot ko na siya? Baka araw araw nang mangangamatis ang mukha ko at baka hindi na ako makaharap pa sa maraming tao.

"Grabe kayo ha, nagsosolo. Hindi niyo manlang kami ginising. Ang unfair niyo." Reklamo ni Reyda

"Aba, kasalanan ba naming hindi kayo nagising ng maaga?" Rouver said kaya sinamaan naman siya ng tingin ng girls.

"Porket okay na kayo ni Viel ay gumaganyan ka na sa amin. Naku hindi ka talaga namin tutulungan." Winter

"What? I'm just stating the truth here."

"Truth your face." Fay

"Haha! Well anyways, mauna na kami sa inyo ng babe ko kasi may date pa kami."

"Yown! Babe daw oh! Ang lakas lang ng trip mo bro e hindi pa naman kayo." Raine

"Hindi pa pero malapit na, right babe?"

"Ewan ko sayo. Tara na nga. Guys mauna na kami." Paalam ko naman at nauna nang umalis.

Agad namang sumunod si Rouver sa akin at mabilis na hinawakan ang kamay ko habang pasipol sipol pa. Marami tuloy napapalingon sa amin at ilan don ay mga kabatch namin. Yung iba kinikilig at yung iba naman grabe sa sama kung makatingin. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na inalintana ang nasa paligid saka nagpatuloy sa paglalakad.

"I know a place where we can take a good pictures." Aniya kaya nilingon ko naman siya.

"Where?"

"In that cliff over there." Aniya at tinuro ang hindi kataasang bangin sa kanang bahagi nitong resort at meron doong malaking terasa at sa likod nito ay may gazebo.

Hindi mo agad yon mapapansin kung nasa gilid ka lang ng dagat. Kailangan mo pa kasing lumusong ng kaunti sa tubig para makita mo ito.

Napa ‘Oh’ nalang ako dahil hindi ko yon napansin kahapon at kanina.

"Okay, tara!" Nakangiting ani ko at excited siyang hinila papunta don.

"Have you gone here before Rouver?" I asked kasi mukha siyang sanay na sanay sa lugar na to. Kahit nga kahapon ay siya yung nagsasabi kung saan kami pwedeng pumunta.

"Yeah. Isang beses noong reunion ng pamilya namin."

"Ah..kaya naman pala parang alam mo itong lugar."

Nang makalapit na kami sa may hagdan ay binitawan niya ang kamay ko at kinuha sakin yung camera.

"Go there, kukunan kita ng picture."

Tumango naman ako at agad nang tumayo sa may hagdan para makuhanan niya ng litrato. Hanggang  makarating sa taas ay kinuhanan niya ako sa may bandang gazebo at sa may terrace.

Nang matapos ay kinuha ko na sa kanya yung camera ko at ako na ang kumuha sa magandang view dito sa cliff.

"This place is really beautiful." I uttered as I peacefully watch the area. Dito siguro madalas ang venue ng mga kinakasal dito. Fit na fit kasi talaga ang lugar sa mga ganong event at napakaromantic ng ambiance.

"You're more beautiful babe." He uttered at nagulat naman ako ng inayos niya ang mahaba kong buhok na tumatabon sa mukha ko at tinatangay ng hangin. Nailang ako don kaya bahagya akong lumayo at ako na mismo ang nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok ko.

Lagi niya talaga akong ginugulat sa mga sweet gestures niyang gaya nito. Lagi tuloy kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

"Ah..balik na tayo." Sambit ko at mauuna na sana ng matigilan ako sa sinabi niya.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now