11

75 1 0
                                    

Exactly after our graduation day, Rouver told me na aalis siya papuntang Maynila. Isang buwan nalang ang pananatili niya dito kasi pagkatapos non ay luluwas na siya don para makapaghanda sa kolehiyo.

He will going to study in Manila to take his desired course which is chemical engineering. Although meron namang kurso na ganon dito ay ayaw nang mga magulang niya kasi gusto nilang sa Maynila talaga siya mag-aral. Kapag dito raw kasi ay hindi nila susuportahan si Rouver.

"Paano ako? Iiwan mo ko? Akala ko ba hindi ka aalis?" Sumbat ko sa kanya.

"As much as I want to babe but I can't and this is for us too. Wala akong mapagpipilian kasi ginigipit nila ako. They already know about us at kung hindi ko sila susundin ay gagawa sila ng paraan para paghiwalayin tayo. Tsaka para rin to sa atin babe, sa future natin. Kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral don sa university na yon ay malaki ang tsansa na makakakuha agad ako ng magandang trabaho. At kapag nangyari yon, hindi ko na kailangang umasa sa mga magulang ko. Hindi narin natin kailangang magtago sa mga magulang mo kasi kaya na kitang panindigan." He said which he has a point tho masakit lang yon para sa akin kasi aalis siya at magkakalayo kami.

Paano kung hindi lang pala yon ang balak ng parents niya? Paano kung ginawa lang nila yon para malinlang si Rouver at para wala talaga siyang pagpipilian? I wanted to tell him about that pero walang lumabas sa bibig ko tsaka wala rin namang magbabago kasi nakapagdesisyon na siya. Nakaplano na ang lahat at wala na akong pagpipilian kung hindi sumang-ayon sa gusto niya.

"If you are already decided then what can I do? Desisyon mo yan at sino ako para pigilan ka sa gusto mo."

"I promise babe, gagawa ako ng paraan para makasama parin natin ang isa't isa and besides, there's social media now kaya hindi parin tayo mawawalan ng komunikasyong dalawa. We can still see each other virtually right? Makakaya naman natin yon diba babe? Diba? Hmm?" Sambit niya at pilit akong niyayakap at isang patak ng luha naman ang tumulo galing sa mga mata ko.

"Just promise me that you'll comeback here to me at sana ay hindi ka mawalan ng oras sa akin. Yon lang ang gusto ko Rouver."

"Of course babe, pangako yan at babalik ako sayo kahit na anong mangyari."

Akala ko ay isang buwan ko pa siyang makakasama pero nagulat nalang ako nang sumunod na dalawang linggo ay bigla nalang siyang nagpaalam na aalis na siya.

Napag-alaman kong may nangyari sa Daddy niya. Inatake ito sa puso at balitang balita iyon sa buong subdivision. Kung hindi ko siguro nalaman yon ay baka nasumbatan ko na naman siya.

"I love you so much Viel. I promise, babalik ako."

"I love you too Rouver, mag-ingat ka don and please call me when you get there."

"I will babe and you too. Mag-iingat ka dito." He said and then a one last hug and kiss from him bago siya tuluyan nang umalis.

At ang kaninang luha na pinipigilan ko ay sunod sunod nang tumulo dahil sa halo halong nararamdaman. I am bothered, sad and at the same time I am scared.

Paano kung sa pag-alis niya ngayon ay hindi na talaga siya babalik pa sa akin? Paano kung sa pag-alis niya ngayon ay magkaroon na nang pagkakataon ang mga magulang niya na paghiwalayin talaga kami? At paano kung, matuloy na rin ang plano ng parents ko na ikasal ako sa lalaking nakapangako na sa akin? Ano nang gagawin ko?

The next days after Rouver left ay wala na akong natanggap na text o tawag galing sa kanya. Yung huling text na natanggap ko lang sa kanya ay noong sinabi niya lang na nakarating na siya don. After that ay wala na. Mahigit dalawang linggo na yon at bukod sa nag-aalala na ako ay kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko na mga negatibong bagay.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now