10

90 1 0
                                    

I had a really good time with our trip not just because I'm with my friends and I got to take so many good pictures but also because of Rouver. Hindi niya kasi ako nilulubayan at pagkatapos ng insidente sa dagat ay hindi narin niya binalak pang bumalik din doon para maligo. Instead, he choose to be with me and take pictures with me in every good place that we see in that town.

Mas naging kumportable narin ako sa kanya dahil don at baka nga hindi rin magtagal ay sagutin ko na siya. I shouldn't be afraid off in the first place kasi alam kong totoo naman lahat ng pinapakita niya sa akin.

Nasasanay na nga rin akong tinatawag niyang babe lagi yun nga lang naiilang parin ako kapag nasa harap kami ng ibang tao.

"Babe..pwede ba kitang sunduin mamaya sa inyo? Lets have a date. May alam akong magandang kainan na may magandang view." It's been three months since that trip at dahil byernes ngayon ay pupwede kaming lumabas. And since wala sina mom ay makakalabas ako ngayon ng hindi nila nalalaman.

"Okay, sige." Pagpayag ko naman na ikinatuwa niya talaga.

Kinagabihan nga ay sinundo niya ako at nagdinner  kaming dalawa sa labas. Maganda ang napili niyang lugar at sobrang nag-enjoy ako sa kakatingin sa paligid habang kumakain.

"How did you know this place?" I asked then I leaned a bit on the railings to feel the cold breeze of air. Kakatapos lang naming kumain at nanatili muna kami dito para pagmasdan ang magandang tanawin sa gitna ng gabi.

"Courtesy of my cousin. She recommended this place to me." He answered then he leaned on the railings as he put his arms on my shoulder. Hindi tuloy ako nakaramdam ng lamig dahil sa ginawa niya.

"I love this place." I told him dahilan para mapangiti siya at mas hinila pa ako palapit sa kanya.

"I'm glad to hear that, but babe.."

"Hmm??"

"Ah..nothing."

He said kaya kunot noo ko naman siyang nilingon dahil don. Mukhang may itatanong siya pero hindi niya itinuloy.

"Do you want to say something?" I asked him pero umiling siya.

"Nothing babe."

"You sure?" I asked again

"Yeah." He answered saka umiwas ng tingin sa akin.

"Ako..merong sasabihin sayo." I said na mabilis niyang ikinalingon pabalik sa akin.

"What is it then?" He asked and I smiled

"Well, I just want to say thank you for this day because honestly, I am not really fine. I had a very rough week pero dahil sayo gumaan ang loob ko. Sobrang napasaya mo ako ngayon ng husto kaya salamat." I said then I hugged him na ikinabigla naman niya.

I can't reach Kuya Jex for almost two months now thats why sobrang bigat ng loob ko ngayon dahil wala akong mapagsasabihan ng problema ko.

Pagkatapos kasing manggaling sa outing ay bigla nalang sinabi sa akin ni mommy at daddy na may fiance na raw ako. Na by next five months which nabawasan na ng tatlo ay ikakasal na raw ako! Like seriously? I just turned Eighteen last month pero ipapakasal na nila ako!

How cruel are they right? Pinapangunahan na nila ang buhay ko and for God's sake! Wala na ba akong karapatang pakasalan ang taong mahal ko? Dapat ba talagang sila ang pipili kung sino? And besides, hindi ko alam na hanggang ngayon ay pinagpapatuloy pa nila ang tradisyon ng pamilya!

"What happened babe? Can you tell me?" He asked pero umiling lang ako at saka lumayo sa kanya.

"I'm sorry but I can't tell it to you for now."

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon