12

76 1 0
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay puro si Ken ang laman ng utak ko. I was really curious on him at kung ano ang koneksyon niya sa lalaking yon.

I know there are some cases na magkakamukha ang tao kahit hindi magkadugo kasi minsan ay mga malalayo silang magkamag-anak kaya ganon.

Two weeks nalang at pasukan na naman at kung magiging magkaklase nga kaming dalawa ay malalaman ko rin kung ano ang koneksyon nila kung sakali.

Bakit ba kasi kaunti palang ang alam ko sa lalaking yon?

Anyways, speaking of my boyfriend.

Hindi na talaga niya ako tinatawagan pa kaya sobrang sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung kami pa ba o ano kasi basta basta nalang niya akong iniwan sa ere. I am his girlfriend pero pakiramdam ko parang hindi. Baka nga tama ang hinala ko na paraan ng mga magulang niya ang pag-aaral niya sa Maynila para makaalis siya dito.

I just hope na mali talaga ako kasi alam kong mahal na mahal niya ako. Ramdam ko yon at yon nalang ang tanging pinanghahawakan ko ngayon at ang pangako niyang babalik siya kahit na anong mangyari. Wala rin naman kasi akong mapapala kung iyak lang ako ng iyak kasi hindi non mababalik agad si Rouver dito. May tiwala ako sa kanya at alam kong hindi niya ako lolokohin.

"Vieldaine! Pumasok ka nga dito saglit sa loob!" Tawag sa akin ng Ate Zar ko kaya iniwan ko naman ang pagdidilig ng halaman at nilapitan siya.

"Bakit ate?" Medyo matamlay kong sambit sa kanya.

"Aalis ako ngayon dahil may business conference akong dadaluhan. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay habang wala kaming lahat maliwanag?"

"Okay po." Sambit ko ulit at kunot noo naman niya akong tiningnan saka nilapitan at sinipat ang noo ko.

"Tanga ka talaga kahit kailan! Inaapoy ka na ng lagnat tapos kung ano ano pang ginagawa mo! Manang! Asikasuhin mo nga itong si Viel at nilalagnat!" Aniya at doon lang nagsink in sa akin ang lahat kung bakit nahihilo ako kanina pa.

Ganon na ba ako kamanhid at hindi ko manlang napansin na masama na ang pakiramdam ko?

"Okay lang po ako ate. Kaya ko na po ang sarili ko."

"Anong okay ka jan? Inaapoy ka na ng lagnat tapos okay ka parin? Ang tanga nito! Umakyat ka na nga sa kwarto--"

Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi niya dahil bigla nalang akong bumagsak sa harap niya at nawalan na ako ng malay.

Hindi ko alam kong ilang oras akong walang malay pero nagising nalang ako na puting paligid na ang nakikita ko. Looks like I am here in the hospital na sana hindi nalang nila ako dinala dito kasi maiiwan lang din akong mag-isa.

I was about to get up when the door opened at nagulat naman ako nang pumasok si Daddy. He's with his usual get up with a white coat and a stethoscope na nakasabit sa leeg niya. He's a doctor by the way.

"Dad.."

"Alam mo bang marami kang naabala sa kapabayaan mo ha Vieldaine? Bakit ba kasi naging pabaya ka?" Sambit niya which is kabaliktaran sa inaasahan kong sasabihin niya sa akin.

Ano nga bang ineexpect ko eh pati siya nagbago narin ang pakikitungo sa akin dahil sa kamaliang hindi naman ako ang may gawa.

"Ano..po bang nangyari?" I asked habang pigil na pigil na umiyak sa harap niya. Kapag kasi umiyak ako ay wala rin namang mangyayari kasi ako parin ang laging mali sa paningin nila.

"You're a victim of Malaria at dahil yon sa madalas mong pagpupunta doon sa walang kwentang ampunan. Kaya itong tatandaan mo, hinding hindi ka na makakabalik pa don. Bumangon ka na jan at nang makauwi ka. Dinadagdagan mo lang ang problema ko dito sa ospital!" Aniya at agad na akong tinalikuran saka lumabas nitong silid. At nang mawala na siya ay doon na bumuhos ang mga luha ko.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now