4

120 3 0
                                    

Saan niya kinuha yung number ko? Sino ba ang nagbigay sa kanya? At bakit niya sinabi yon sa akin?
Ilan lang yan sa mga tanong na lumabas sa utak ko kagabi dahilan para hindi ako makatulog ng maayos. Bangag tuloy akong pumasok sa school kinabukasan.

"Hello!! Earth to Vieldaine!" Gulat na gulat naman akong napatingin sa kaibigan ko.

"May sinasabi ka besh?" I asked Reyda na siyang kasama ko dito sa canteen ngayon.

"Bakit lutang ka ngayon te?"

"Wag mo na akong intindihin." I said at hindi naman siya nagtanong pa.

"So as I was saying, wala daw interesadong sumali sa modern and folk dance competition sa batch natin. Game ka ba?"

Again? Bakit ba walang hilig sumali sa contest yung mga kaklase namin? Hiwalay kasi yung cultural contest sa sports kaya next next week pa yon gaganapin. May two weeks pa kami para magprepare pero yun nga at wala pang sumasali.

"Do I have a choice?" I asked at umiling naman siya.

"Wala."

"Then wala akong magagawa kung hindi ang sumali. Ang tanong, sino yung boys na pwedeng sumama sa atin?" I asked.

"The usual, pero dahil injured si Jonas ay kailangan nating maghanap pa ng isang lalaki." Oh! So sino naman ang hahanapin namin?

"May sasali naman kaya jan besh?" I asked her at sakto namang dumating sina Fay at Winter.

"Meron na besh. Nagpresinta si Celrix." Fay said na hindi ko naman inaasahan. Seryoso?

Kung si Rouver ang sasali sa sayaw, that means mas makakasama ko pa siya ng madalas. At hindi lang yon, mukhang malaki ang possibility na kami pa ang magiging magkapartner dahil ako ang pinakamatangkad sa aming babae at ganon din si Rouver sa mga lalaki!

Talaga naman! Nananadya ba ang tadhana?

Dalawang sayaw ang aaralin namin kaya kinabukasan non ay nagsimula na kami sa practice during our spare time. It's a good thing na naghire si Raine ng trainor namin sa dalawang sayaw kaya madali lang kaming nakabuo ng steps. Yun nga lang, naging mahirap sa akin ang lahat kasi si Rouver talaga ang naging partner ko.

Ngayon ko lang talaga narealize na mahirap magpigil ng nararamdaman lalo pa at kaharap mo palagi ang taong nagugustuhan mo. I cannot compose myself properly especially that he is so near to me. As in literally near because we have that kind of step na parang nagsasayaw kami ng sweet dance!

"And One! Two! Turn around! Hold Your partner then side step! Forward! Another turn around then side step!" Paulit ulit na sigaw ng trainor namin hanggang makuha namin ang pinakahuling bridge step sa Modern Dance na sasayawin namin.

As of today ay one week na kaming nagpapractice kaya maayos ko nang naiisayaw kasama si Rouver ang lahat. Though yung ibang kasama namin ay medyo nahihirapan pa. Sabado ngayon at dahil walang pasok ay buong araw kaming magpapractice dito sa school.

"Teka lang ah, hindi ako satisfied sa performance niyo lalo na kayong tatlong magkakapareha. Vieldaine at Celrix hali nga kayong dalawa dito sa gitna. Ulitin niyo yung pinakalast chorus part ng sayaw." Argh! Kami pa talaga ang nakita!

Sinunod naman namin ang sinabi nito at inulit yung step na gusto niyang ipaulit sa amin. Hindi pa kasi makuha kuha ng mabuti nina Reyda ang step lalo pa at kumbinasyon ito ng iba't ibang sayaw.

I looked at Rouver again at kabadong humawak sa nakalahad niyang kamay. Here we go again!

"You're still nervous. Just relax, ako lang to." Aniya saka ako pinaikot then ginawa ang step kung saan mas lalong maglalapit kaming dalawa.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now