1

197 3 0
                                    

I should be focusing on my studies and doing my assigments but here I am at nagmumukmok sa kwartong mag-isa.

I have heared some news na nagpasakit sa puso ko kaya nagkakaganito ako ngayon. It's been two weeks but I'm still really affected by it.

Muli ko naman itong inalala at napapikit nalang kasi nasasaktan talaga ako.

"Kilala mo ba yung babae sa lower year? Yung maganda." Narinig kong tanong ng kaklase ko sa isa ko pang kaklase.

"Oo, at balita ko girlfriend daw yon ni Celrix. Bagay na bagay sila diba?"

"Ay correct ka jan! Ang swerte nga nung girl kasi nakuha niya yung attensyon ni Celrix!"

"Sinabi mo pa at matagal na daw magjowa ang dalawa. Tinatago lang nila dahil strict ang family ni girl."

He has a girlfriend at matagal na pala sila nung babae. Kaya siguro malaki ang pinagbago niya dahil don sa girlfriend niya. Hindi narin siya sumasama sa mga b.i friends niya at yung kinakaibigan niya ngayon ay yung circle of friends ng pinsan ko.

Ang swerte nga talaga ng girlfriend niya which I was dreaming na sana ako nalang yon kaso napakaimposible naman. Besides no one was to blame kung nasasaktan ako ngayon kasi in the first place, walang nakakaalam sa nararamdaman ko sa kanya at wala akong balak ipaalam.

"Ang tamlay mo yata ngayon Viel?" Winter asked me.

"Oo nga besh, wala ka namang sakit." Dagdag naman ni Fay

"Wala to, hindi lang naging maganda ang gising ko."sambit ko. Dumagdag pa kasi sa ikinabibigat ng loob ko ang mga magulang ko na lagi nalang akong pinepressure pagdating sa academics. Grade 11 na ako pero ganon parin sila sa akin.

"You sure besh?" Reyda asked too

"Yeah, okay lang talaga ako."

"Okay. Anyways, tara! Nood na tayo ng basketball game ng batch natin. Tayo nalang rin ang magdala ng drinks at snacks nila." Sambit ni Fay then nagsitanguan naman kami at pumunta na sa school gym dala ang pagkaing para sa players namin.

Kalaban ng batch namin ang Grade 12 ngayon kaya medyo marami ang nanonood ngayon dito. Championship narin kasi and we are aiming to be an overall champion.

"Hi girls! Manonood kayo ng game?" My cousin asked at nagsitanguan naman kami.

"Yup tsaka kami narin ang nagdala ng mga snacks niyo. Goodluck nga pala guys!" Winter

"Thanks girls!" Sambit ni pres na kasali din sa laro.

"Couz! I cheer mo ko ah?" Sambit ng pinsan ko at nang-akbay na naman sakin.

"Si Viel magchicheer? Kahit pumuti pa ang uwak hindi yan sisigaw. Baka palakpak pwede pa!." Kontra naman ni Reyda which is true.

I was really a silent type of person kaya bihira mo lang akong maririnig na magsalita. Once in a blue moon ika nga nila.

"Malay niyo magbago ang ihip ng hangin, right couz?" Sambit naman ng isa ko pang pinsan.

"Asa ka." Sambit ko at tinulak na siya kasi magsisimula na ang game.

Galing sa section namin ang unang first five kaya yung ibang kasali sa laro ay nasa bench lang muna at naghihintay para sa substitution. That includes him na ilang araw ko nang napapansing wala sa sarili. Baka dahil wala ang girlfriend niya kaya siya nagkakaganyan.

Madalas na kasi silang magkasama pero nitong nakaraan ay bihira ko nalang silang makita.

"Girls, sa restroom lang muna ako saglit."

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant