5

115 2 0
                                    

Titig na titig lang siya sakin habang naghihintay sa sagot ko. But..Argh!! What should I really say? Aamin narin ba ako?? Pero kasi..

Bahala na nga!

"Hindi." Tanggi ko saka lumayo sa kanya.

Nanunuri naman niya akong tiningnan bago nagsalita.

"Hindi? Really? But why seems your action says otherwise?" Hindi niya kumbinsidong sambit.

"I don't like you and please pwedeng lumayo ka ng kaunti? Hindi kasi ako kumportable sa ginagawa mo." I said tho hindi ko naman talaga siya gusto kasi mahal ko na siya.

I know it's too early to say this pero yon talaga yung totoong nararamdaman ko sa kanya. Yun nga lang natatakot akong iadmit yon kasi hindi pa ako handa. Baka pagsisihan ko to sa huli kaya pag-iisipan ko muna to ng mabuti bago ko sabihin sa kanya ang lahat.

"Then I will court you until you will like me back." Saktong pagkasabi niya non ay bumalik na ang mga kaibigan ko pati narin ang iba. Thank God kasi baka hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya sakin!

Nang dumako ang tingin ko sa mga kaibigan ko ay isang mapanuksong tingin muli ang ibinigay nila sa akin na ikinailing ko nalamang. Humanda kayo sa akin mamaya. Akala niyo kayo lang ang pwedeng manukso.

"Lets get back to practice guys para makauwi na tayo ng maaga!"

Nagsitanguan naman kaming lahat sa trainor namin at agad nang pumwesto sa mga pwestong nakalaan sa amin.

"Papayagan mo naman akong ligawan ka diba?" I glanced at Rouver nang sabihin niya yon sa akin. We're still dancing by the way pero kaming dalawa lang ang nakakarinig sa sinasabi niya dahil malakas ang tunog ng musika.

"Seryoso ka ba talaga jan sa mga sinasabi mo?" I asked him.

"Yes, 100 percent sure. This is my chance at ayokong maunahan pa ako ng iba." Aniya kaya huminga nalamang ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Pwedeng..pag-isipan ko muna? I hope you understand kasi nabigla talaga ako sa mga sinabi mo." I asked and he nodded.

"Take your time, I'm willing to wait anyway." Aniya and I smiled inwardly.

He never fails to amaze me almost all the time. Napapatunayan niya kasing mali ang mga maling hinala ko noon sa kanya.

"Thank you." Pagpapasalamat ko at bumalik na sa pagseseryoso sa pagsayaw.

We spent the remaining days on practicing and its a good thing na wala halos kaming pasok kaya nakakapagfocus kami sa practice. Gustong gusto kasi talaga naming manalo lalo pa at engrandeng bakasyon ang premyo ng magiging overall champion sa both cultural and sports contest.

Kaya nga todo practice kami ngayon kasi gusto rin naming mag-enjoy kasama ng mga kabatch namin sa bakasyon.

"So hows the progress with you and Celrix hmm beshy?" Reyda asked and I just rolled my eyes on her.

"Wala." Wala sa mood kong sambit kasi nakita ko lang naman yung lalaking yon na kasama na naman si Gail.

I know I don't have the right to complain and be jealous kasi nga pinaghihintay ko yung tao sa sagot ko pero kasi..napakaclose lang nila na animoy totoong magkarelasyon. I trust Rouver's words but Gail likes him at alam kong gumagawa ang babaeng yon ng paraan para lang mapansin niya. She's using her father as the reason para makasama si Rouver samantalang ako naman ay hinahayaan lang siya sa ginagawa kahit hindi ko yon gusto.

"Anong wala beshy? As in walang progress? Tell us the truth. Alam naming nagugustuhan mo narin siya." Winter said at nagkibit balikat lang ako.

"Can we just please drop this topic? Ayoko siyang pag-usapan." I said pero tinaasan lang ako ng kilay ng tatlo.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now