6

95 2 0
                                    

Only my circle of friends knew na nanliligaw na sa akin si Rouver. They are happy to hear the news and even my cousins didn't protested and get angry with that. Sila pa nga raw ang bahala sa parents ko para lang hindi nila malaman na nagpapaligaw na ako and soon magkakaroon na ng boyfriend which is still a question mark for me.

Mas gusto daw kasi nilang si Rouver ang maging manliligaw ko kaysa kay Jex. Mga baliw lang kasi ayaw na ayaw talaga nila don sa kaibigan ko. Mayabang daw kasi at mahangin which is somehow true pero hindi naman yon rason para hindi nila siya magustuhan. Magkakaugali kasi kaya ganon.

It's been a month since I permitted Rouver to court me and so far ay pinaghihirapan niya paring makuha ang oo ko. Mas mahihirapan nga lang siya ngayon kasi hindi ko siya pinapansin dahil ininjan niya ako sa usapan namin noong nakaraang araw. Three days ko na siyang hindi pinapansin at kahit sa text or tawag ay hindi ko siya sinasagot. I am pissed at kapag ganito ako ay hindi ako makakausap ng maayos kahit siya pa yon.

Then, regarding sa contest ay natapos narin yon last three weeks and we won resulting for us to become the overall champion. Kaya nga hindi ko na rin kailangang makasama siya parati. Yun nga lang dahil matutuloy ang outing namin ay hindi imposibleng hindi ko siya makakasama.

"Mom, can I go with my classmates in this coming outing? Kasama ko naman po si Klynn don." I asked my mom na ilang lakas ng loob pa ang inipon ko para lang makapagtanong. Sinadya ko rin kasi siya sa office niya dito sa bahay at tumiming pa ako na wala ang mga ate ko kasi alam kong sila ang unang kokontra.

"Ilang araw kayo don? May teachers na kasama?" She asked na agad ko namang sinagot.

"5 days po and yes po meron. Yung adviser namin."

"Siguraduhin mo lang na hindi yan makakaapekto sa pag-aaral mo. At ito ang tatandaan mo, wag na wag kang gagawa ng kalokohan don. Baka gumaya ka don sa mga kaibigan mong maagang lumalandi at pumipili ng walang kwentang lalaki. Tandaan mo, nakapangako ka na sa iba kaya hindi ka pwedeng mgkaroon ng relasyon sa ibang lalaki. Maliwanag ba?" Aniya and I nodded kahit labag sa loob ko ang sumang-ayon.

"Yes mom. I'll behave." I said at binigay sa kanya yung consent para makasama ako sa outing.

"I'm watching you young lady at wag na wag kang magkakamali. Sige na at iniistorbo mo ang trabaho ko."

"Thank you po."

Pagkasabi ko non ay umalis na ako sa harap niya at didiretso na sana sa kwarto ng makasalubong ko si Daddy.

"Good evening po Dad." Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"What are you doing in your mom's office? May ginawa ka na naman ba na hindi niya nagustuhan?" He asked kasi yon madalas ang dahilan kung bakit pumupunta ako sa opisina ni mommy.

"Wala po Dad. Nagpaalam lang po ako regarding sa outing namin."

"Akala ko ay may ginawa ka na naman. Sige na at umakyat ka na at mag-aral."

"Yes po." Sagot ko naman at tumuloy na sa kwarto saka doon nagkulong na lagi kong ginagawa.

I am the family favorite before kasi ako ang bunso but everything changed simula nang mag-aral ako nang high school. I was a top student since pre-school pero nang umapak na sa high school ay hanggang pangalawa nalang ako dahilan para magalit at madisappoint ang parents ko sa akin. Hindi naman sa tinamad akong mag-aral pero mas matalino lang talaga si Raine sa akin na siyang laging nangunguna sa klase namin.

Consistent top honor student ang parents ko noon and even my siblings ay ganon din. They even all graduated and received the highest award in college. Ako lang ang hindi nakapagtuloy dahilan para magalit sila sa akin.

Big Chances (An Inevitable Love) ✔Where stories live. Discover now