𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸

3.8K 117 4
                                    

Delaney

Dahil maaga pa naman at mamayang 8 AM pa ang first class namin ay napag-desisyunan naming tumambay muna sa cafeteria. Tahimik pa rin hanggang ngayon si Hailee. Nakakabagot kaya ang katahimikan niya.

Habang kumakain kami ay nagku-kwentuhan rin kami about our lives.

Napag-alaman kong gusto pala sana ni Cash na maging isang guro ngunit hindi iyon ang gusto ng pamilya niya. Angkan sila ng mga arkitekto kaya gusto ng parents niya na sumunod siya sa yapak nila. She has no choice.

Kahit na nabubuhay pa ang mommy't daddy ay sigurado akong they'll let me choose what I want. Hindi nila ako gagapusin sa leeg dahil lamang sa gusto nila.

But they left me behind, they left me alone.

"Zielle, are you okay?" Nakabalik ako sa wisyo when si tapped my shoulders.

"Yeah, yeah." I smiled. They smiled back at me.

I am glad that I found friends kaagad sa first day ko. I didn't expected that I'll be friends with these gals even though hindi sila yung tipo ng gusto kong kaibigan.

Well, they're nice and napaka-approachable ni Cash. Napaka-honest rin niya at ang bilis niyang magtiwala. Tulad na lang sa akin, kahit ngayon niya lang nakilala ay halos buong buhay niya ay naikwento na niya.

Tumambay pa kami dito hanggang sa mag-ring ang bell hudyat para sa unang klase. Kahit na mamaya pa ang klase namin ay nag-martsa pa rin kami papapuntang building namin pero nagulat kami ng lumihis sila ng daan.

"Where are we going? I thought doon yung daan pabalik ng building natin?" I ask confused.

"Punta muna tayo sa Faculty Room. May kukunin lang ako dun." Saad ni Cash.

Sumunod naman ako sa kanila at tinatahak ang Faculty Room. Halos tumalon ako sa gulat ng magsalita si Hailee.

"She has a girlfriend to check there kaya pupunta tayo dun." Prankang sabi nito na ikinataas ng kilay ko.

"What do you mean?"

"One of the Professor's here in H.U. is her girlfriend. Long time girlfriend." My jaw dropped after processing what she said.

"Is she gay?!" Mahina ngunit diin na tanong ko.

Grabe! Hindi ko siya naamoy ah. Bakla rin pala ang isang 'to at kalahi pa namin.

"Yes, she is. Pero bakla lang iyan kay Miss Catiara. Straight dati 'yan e. Napabaluktot ata sa kagandahan ng propesor." Walang emosyong saad nito.

"She's a lucky one ha." Natatawang sabi ko.

'"She really is."

"So high school pa lang kayo ng naging sila ng professor na iyon?" I asked out of curiousity.

"Yeah." Tanging sagot niya.

Tumigil na kami sa pag-uusap ng marating na namin ang Faculty Room. Walang pasabing pumasok iyon dun sabay hila sa akin papasok. Nagpumiglas ako pero malakas ang dalawa sa isa e.

"Hi, babe. I bought you breakfast." Kalmadong sabi ni Cash. Bakla ka!

"Oh, hi babeee!" Tumingala ang isang babae sabay patakbong yumakap kay Cash.

Nakakabagot silang tignan.

"Ang lalandi!" Mahinang bulong ng hindi ko alam kung sino sa kanyang sarili. Tumingin ako sa likod ko at parang napako sa kinatatayuan ng makita ang isang napakagandang dilag sa aking harapan.

Her silky curly hair. Well-shaped eyebrows. Mapupungay na gintong mata. Napakatangos na ilong. Mapupulang mga labi. I wonder how soft it is.

Seems like the world stop for awhile for me to stare to the beautiful lady right in front of me.

Kahit nakatagilid lang siya, her beauty is still evident. This is a good view huh. But wait, she's kinda familiar. But I don't remember where I saw her. Nevermind. Baka gawa-gawa lang 'to ng isip ko.

I am still enjoying the view when Hailee pull me and dragged me outside the room.

"Don't tell me susunod ka rin sa yapak nitong si Cash." Diin na sabi ni Hailee pertaining to me. Tapos na ata makipaglandian itong si Cash. Ta's ang lupit! Nagsasalita na si Hailee!

"What do you mean?" Takang tanong ko.

Ewan ko talaga kung bakit.

"Tsk. I saw how you stare at her. I can see spark in your eyes, dude. Tsaka kung mai-inlove ka lang rin naman sa propesor ay huwag sa babaeng yun. Napaka-complicated na tao nun." Ika Hailee.

"I second the motion." Sabat naman ni Cash.

I looked at them with a questioning look. I just admired her beauty ah, ba't in love na ata agad pinagsasabi nila?!

Are they crazy?!

"Pinagsasabi niyo d'yan. E kakakilala ko pa nga lang sa tao ta's in love agad?!" Napairap ako sa kanilang dalawa. "Tsaka ayoko ma-inlove. Nakakasira ng mental health 'yan. Iiyak ka lang rin naman sa huli." Balewalang dagdag ko pa.

"Bitter masyado ah!" At talagang nagsabay pa sila.

And because of that, tumawa kaming tatlo hanggang sa makapusan kami ng hangin kakatawa. Pinagtitinginan na kami dito sa hallway dahil mukha na talaga kaming baliw. Nakakahiya!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now