CHAPTER 49

1.1K 34 0
                                    

Delaney

"Miss Bautista, stay behind after class." Maawtoridad na saad ni Miss Natalia.

Hays, na naman. May second class pa ako e.

Nagpaalam na lahat ng mga kaklase ko at ako na lang ang natira. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumapit sa kaniya na nag-aayos rin ng kaniyang mga gamit.

"Yes, ma'am?" Tanong ko ng makalapit na ako sa kaniya.

"You'll be the representative of your batch for next month's painting contest. I will be the one who'll train you. But I guess, you don't need to be trained 'cause you already do it well." Nakangiting pahayag nito sabay tap ng shoulders ko. "Oh, by the way. I've heard you'll be flying in US next week. Do Tine know?"

"Hindi pa, po. Atsaka ayoko na rin ipaalam pa. Baka pigilan lang ako. Nakapagpaalam na rin naman ako sa kaniya na mawawala ako ng isang linggo, pero yung alam niya, may tree planting kami which is true, actually. Pero nakapag-excuse na ako sa prof namin." Mahabang paliwanag ko na ikinatango na at isinukbit na ang bag niya. Hawak ng kabilang kamay niya ang laptop niya at may kung anong kinahanap sa pouch niya. Mukhang nahihirapan ito kaya tinulungan ko na.

"Find the keys of this room, please." Na agad ko namang sinunod. Hindi nagtagal ay nakita ko naman agad. Nagmartsa na kami palabas and she locked the Art Room.

"Do you still have classes, Delaney?" She asked that made me nod. "What time vacant mo?"

"Wala po akong vacant time this morning. Only lunch time." Sagot ko naman na ikinatango niya habang prenteng naglalakad sa hallway. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Ikaw ba naman sumama sa propesorang akala mo nasa Victoria Secret kung makarampa.

Sumasali kaya si Miss Natalia sa mga pageants noong nasa teenage years niya siya. Or like nung College days niya? Kasi bagay na bagay siya sa mga pageantry. Napakaganda ba naman. Lakad pa lang parang super model na.

Nagka-boyfriend na kaya si Ma'am?

"Miss Natalia?"

"Yes?"

"Nagka-boyfriend na po kayo?" Wala sa sariling tanong ko. I mentally shook my head out of shame. Ba't naman ganun self? Tsk, the heck!

Natigilan ako ng diretsong nakatingin ito sa akin at tumigil sa paglalakad. Hawak-hawak ko pa rin ang laptop niya at tila habang tumatagal ay lalong bumibigat ito dahil sa mga titig na ipinupukol niya.

The way she stares at me feels like my toes are getting jelly. My heartbeats beating rapidly. My whole being is going crazy. My tummy is getting crazy too, and it feels like a zoo.

Napakurap-kurap naman ako ng makita ko ang pagtaas ng kaliwang labi niya. Of course she's smirking. Goddamn this woman for being too exquisite.

"I didn't had. But I had a girlfriend when I was 7." Nakangiting sambit niya na ikinairap ko dahil sa nakakalokong ngiti niya.

"Assumera. I was just curious." Natawa naman ito na ikinatigil ng iilang estudyanteng nakakita sa amin at mga napapadaan. "Sabi na e, 'ta mo 7 years ka pa lang may girlfriend ka na. Since birth na talaga iyang kalandian mo!" Lalong humagalpak ito ng tama at inismiran ko lang ito.

At ano namang nakakatawa? Duh.

Tawa pa rin siya ng tawa kaya nagsimula na akong maglakad papalayo sa kaniya. Nababaliw na naman siya. Hawak-hawak ko pa rin ang laptop niya. Idadaan ko na lang ito sa office niya. Tsk, late na ako sa second subject ko. Eeeeh, 'di pa naman pala nagri-ring ang bell. Maaga pala niya kaming dinismiss.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now