𝟾𝟻 - 𝙽𝚎𝚠 𝙱𝚎𝚐𝚒𝚗𝚗𝚒𝚗𝚐

2.1K 66 6
                                    

Delaney

It's been a week since I started courting her. All my life, this decision I had made of loving and choosing her made me the happiest. I've never been this happy not until today. How much pa kaya if naging kami na, ikinasal na kami, and have kids.

All I can see is her, my future.

I am driving right now papuntang university 'cause she texted na sunduin ko na daw siya para sabay na kaming mag-lunch.

Ito ang first time na nagpasundo siya. Ayaw niya pa kasing magpahatid and magpasundo last time kasi ewan ko din sa kanya. Nagulat nga ako sa na-receive kong text kanina.

Kung gaano siya ka-clingy before, mas sumobra pa ngayon. I kennat!

Nasa tapat na ako ng gate ng pinahinto ako ni manong guard kaya binuksan ko ang window ko ng lumapit ito sa sasakyan ko.

"Ay! Ikaw po pala, ma'am. Pasok, po!" Panimula ito at napakamot pa sa ulo niya na ikinatawa ko.

"Good morning, po. Coffee, po. Mainit pa iyan. Have a blessed day ahead, po." Saad ko sabay abot sa kanya ng coffee that I bought at Starbucks. Napadaan lang, po.

"Thank you po, ma'am." Nakangiting sagot nito na lalong nagpangiti sa akin tsaka ito nginitian.

Dumiretso na ako sa parking lot at agad na bumaba ng kotse ko. Hawak-hawak ang susi ko'y pinagtitinginan ako ng iilang estudyanteng nasa hallway. Yung iba ay kinikilig at ang iba naman ay nagtataka.

I know naman na maganda ako pero huwag naman sana nila akong tingnan ng ganun kasi naiilang ako.

Kidding! Lol!

Pasara na sana ang elevator door ng biglang may humarang dito. Pumasok ang isang babaeng madaming hawak na papel sa kanyang kamay at ang isa naman ay may hawak na laptop. Is she a professor here?

Nanatili akong walang kibo habang pasimpleng sumasabay sa kantang ako lamang ang nakakarinig dahil sa earpods ko.

Nakapamulsa at pa-cool na nakasandal sa wall. Bakit ba, bida-bida ako e.

"OMG! Are you Zielle? Zielle Bautista?" Tangina ito na naman. Kailan matatapos ito. Ang awkward na masyado kasi kilala nila ako while ay hindi. Oh my gosh!

I just smiled at tumango.

"Gosh, ikaw nga." Ibinaba muna niya ang hawak na laptop sa floor at inilahad ang kamay nito sa harap ko, "By the way, I am Joyce. I am one of your admirer back then. Galing mo kasi kumanta e, omg." Pagpapakilala nito at kinikilig pa.

"Hi, nice to know you. I guess you're a professor here?" I asked. Ngumiti siya at tumango.

"Yes, I am. Actually newly hired ako dito, kaka-start ko lang 2 week ago."

"That's nice. Good for you." I genuinely smiled.

"Haven't seen you after that night, I meant yung gabi nung pageant ng profs. I've heard na sa ibang bansa mo ipinagpatuloy ang college mo?"

Daming tanong ah. Dami ring alam. Admirer ko nga.

"Ah, yeah. Nagka-problema lang kasi nun but now, all settled na." I smiled.

"That's good to hear." Sagot nito at siya ring pagbukas ng elevator. "Dito na ako, it's so nice seeing you again, Zielle!" Paalam nito at kumaway pa na ikinangiti ko.

She's nice, masarap siyang kausap. Yung tipong madaldal na matured type ba. Ganun siya e. Masarap kabarkada iyan.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa last floor kung saan ang office niya. Gosh, nakakatakot pa rin talaga dito. Sobrang tahimik at office niya lang ang naririto sa palapag na ito.

I didn't knock at dire-diretso lang na pumasok. To my surprise, pinagsisihan kong hindi ako kumatok dahil bumungad sa akin ang propesorang mga kaibigan niya. Gosh!

"Zielle?!" Sabay-sabay na sigaw nila that made me smile awkwardly. Shet!

"H-hi?" Alanganing panimula ko that made their brows rose.

"What are you doing here?" Takang tanong ni Miss Khea.

"Wow, ha? Hindi na ba ako pwede dito sa kadahilanang hindi ako grumaduate dito, ganun ba yun Miss Khea?" Pabirong saad ko pero kumunot lamang ang noo niya.

"Tsk, you know what I mean, Bautista."

"I'm here to visit your lovely friend. Hindi ba pwede?"

"That's enough. Come here, Delaney." Tawag sa akin ni Lia that made everyone look at her.

"And what the heck is this, Natalia?" Miss Pia asked.

Walang bago, ang gaganda pa rin ng mga propesorang ito. Infairness, lakas maka-glow up talaga kapag nasa tamang tao ka na-I am referring to Miss Yvette. Gosh, she's so hot. Hindi gaya noon na balot na balot siya. While Miss Yvonne? I can't guess, hindi ko alam takbo ng buhay niya e. Sadly, Miss Yvonne and Pat didn't work. They separated paths after college. Pat didn't pursue her course at nag-business na lang. She's now a CEO of a famous fashion line. Even us didn't know na ang galing niya pala sa arts. Supposedly, Fine Arts ang course kaso nga lang ayaw ng parents niya kaya she has no choice but to take what her parents want for her.

Even magkakalayo kami sa isa't-isa ay hindi naman kami nawalan ng communication. Though ngayon minsan na lang kasi we're all busy sa kanya-kanyang buhay.

Hindi pa nga kami nagkikita-kita at 5 months ago pa kami nung na-kumpleto. Next month is Christmas, kaya magsisiuwi ang mga iyon dito sa Pilipinas. Kami nina Hailee and Reiz lang kasi ang nandito sa Pilipinas and the rest nasa iba't-ibang bansa.

Iba talata kapag mga barkada mo puro na asensado.

"Kayo na ba?" Miss Yvonne asked.

"Not yet." Nakangiting sagot ni Miss Lia that made them smile, a sighed in relief. Kasi naman akala ko ayaw nila ako para sa kaibigan nila. Pagkatapos naman kasi ng mga nangyari. We couldn't tell.

"Z, ikaw ha. Seryosohin mo na iyang kaibigan namin kung hindi patay ka sakin." Nagbabantang saad ni Miss Bea or should I say, my ate Bea.

Tumango ako at ngumiti, "No problem."

"Can't imagine myself drowning in love just because of one person. Feeling ko ako yung na-trauma kay Lia e. Gosh, she's so baliw na baliw sayo, Zielle. Anong pinakain mo?" Natatawang tanong ni Miss Khea that made me chuckle. Sus, humble din ang isang ito e. Low-key baliw na baliw iyan sa kakilala ko, lol.

"Ako po yung kumain kaya ganun, nasarapan ata-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng sampalin niya ang bibig ko.

"That filthy mouth of yours!" Tsaka ako nakatanggap ng kurot sa tagiliran.

And that made everyone laugh. Syempre mas tawang-tawa si Miss Khea kasi alam niya lahat. Ikaw ba naman makahuling naglalaplapan, lol.

A/N: hello, everyone! happy new year! ito na gift ko sainyo, loveyʼall! 💖

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now