CHAPTER 40

1.5K 45 1
                                    

Delaney

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. I don't know if I am just overreacting. E g*go nakakakurdam yung dares nila at question, huhu. Si Miss Yvette nga nag-belly dancing pa, takte. Hindi ko in-expect iyon. Si Miss Pia naman nag-shot na agad hindi pa natatanong, lol. Si Tine naman ikatlong beses ng matapatan pero shot lang lagi ginagawa niya. Parang gusto ko nang umalis dito at patulugin na lang si Tine kasi umiikot na daw ang paningin niya. Ang lakas ba naman nung alak atsaka mababa lang alcohol tolerance ni Tine. Jusko!

Anytime soon matutumba na si Tine. Jusko naman! Sinabing huwag iinom e. Baka daw anong ipagawa sa kanya o 'di kaya'y may malaman kami na hindi dapat malaman. Ewan ko ba. Natatawa naman siya while saying it kaya hindi ko na binig deal pa. She maybe just joking.

"Hoy, Zielle!" Sigaw ni Cash at binato naman ako ni Reiz ng lata.

Aakma pa sana akong babatuhin siya pabalik pero nagsalita na si Pat.

"Truth, dare, or shot." Seryosong tanong nito. Bakit ba kasi siya pa. Hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam ko. Jusko!

At bago pa iyon mangyari, "Shot, mwehehehe!" At agad kong nilagok ang alak na nasa baso at napapikit kasi ang pangit ng lasa. Ang pait!

"KJ MO, BAUTISTA!

"KJ!"

"KILL JOY MO MASYADO, ZIELLE!"

Rinig kong sigaw nila na ikinatawa ko na lang.

"Blee!"

Nakahawak ako ngayon sa bewang ni Tine upang alalayan siya kasi parang anytime matutumba na lang e. Nakakaya pa naman niya. She looks normal pa naman pero base sa pagkakakilala niya, magaling lang siya magdala ng sarili niya pero alam kong tinamaan na siya.

"FINALLY!" Nagulat naman ako ng sumigaw si Miss Ven. Hihi, anek happenings na?

"TRUTH. DARE. OR. SHOT?" Ngising tanong ni Miss Khea.

I don't know pero hindi ako nagugustuhan ang nararamdaman ko ngayon. I am not liking this feelings, huh. Mas nakakakurdam ata ito! Jusko, 'wag po!

At talagang si Miss Khea pa?! Gosh, NOOOOO! PLEASE, NOOOOOOOOOO!

"Dare." Bored na sagot nito that made Miss Khea smirk. Kung ano man iyang katarantaduhan Miss, please huwag!

"Dare, hmm." She looks at me bago ibinalik ang tingin kay Miss Natalia. "Kiss the most attractive person in your eyes among us." She teasingly looked at Miss Natalia. Ewan ko ba kung mag-bestfriend ba talaga silang dalawa. Laglagan e, lol.

Pero g*go! Kinakabahan ako. Ang lakas at bilis ng tibok ng puso. Na dinaig pa ang car racing sa sobrang bilis. At sa sobrang bilis ay parang anytime tatalon na lang ito palabas ng ribcage ko. Jusmiyo! Gusto ko pang mabuhay!

Napalunok ako when Miss Natalia stands up. Tracing her eyes among us. Tila naramdaman ko na lang ang pagtayuan ng mga balahibo ko when her gazes landed on mine.

Mas napalunok pa ako ng ilang beses when she started to walk. Pero nahimasmasan rin ng tumungo ito sa direksiyon nina Miss Yvonne na nasa harapan ko.

She stopped at Miss Khea's front at may ibinulong. Pero hindi naman ata bulong iyon kasi narinig ko pa. I know for sure narinig rin nila. "Mamatay ka na!" Kaya kahit pa paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakahinga ako ng maluwag at tumingala sa kalangitan.

"Thank you Lor---" Pero imbes na matuwa ay kumunot ang noo ko.

For pete's sake, someone's lips are on mine. And when I---OH MY GOSH!

NATALIA!!!

Bago pa ako magpumiglas ay humiwalay na ang labi niya sa akin. Narinig ko pa ang pag-woah ng iba sa kanila while Miss Khea is just smirking. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat. Even my friends. Hanggang ngayon nakaawang pa rin ang mga bibig nila. Gusto kong matawa sa mga itsura nila ang kaso punyeta!!! Hindi pwede iyon!!!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now