𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟷𝟹

2.2K 69 3
                                    

Delaney

Mainit ang ulo kong bumaba ng building ng may nakabangga ako. Akmang mag-so-sorry na sana ako pero natigilan ako.

Ang ganda-ganda niya, sheeeeeet!

"I'm sorry, Miss." Paghingi ko ng paumanhin na ikinangiti niya.

"It's okay." She smiled again.

Shete! Ang ganda-ganda niya tapos lalo pang gumanda ng ngumiti siya. Her black and silky hair na hanggang balikat ang haba. Her perfect-shaped eyebrows. Mahahabang pilik mata at singkit na mata. Her keen nose. Rosy cheeks. Her pinking lips that are so kissable, pouty kasi. Shete, ang goooondoooo!

Napunta naman ang paningin ko sa katawan niya.

Napahubog niyon. Napakaputi rin ng balat niya, tila'y isang porselana. Gatas ata pinanliligo nito. Katatamtaman din lang ang haba ng mga kuko niya na kulay pula ang pinta nito.

She's wearing a black long blazer. White sleeveless inside. Black skirt above the knee. And black high heels.

"Done checking me out?" Natatawang tanong niya.

Omg, ang pretty talaga. Ang hinhin pa ng pagkakatawa niya. Ang cute lang.

"O-oh." Nahihiyang panimula ko. "I'm sorry." Sabay kamot sa batok ko.

"It's fine." She chuckled. "Can you bring me to the Dean's Office, please?" Her eyes are sparkling.

"Of course." Natutuwang sagot ko.

Nagsimula na kaming maglakad papunta doon. Nakapunta na daw siya kanina sa office ng dean ang kaso hindi niya natandaan kung saan kaya naligaw siya. May naiwan daw siya doon e. Napag-alaman ko ring bagong hire pala siyang professor dito.

"Nandito na po tayo." I said while smiling.

"Thank you." Sagot niya. "What's your name again?" Nahihiyang tanong niya.

"Zielle, po. Call me Zie." I smiled again.

"Oh, Dan. Thanks again. See you around." Tumango lang ako at ngumiti. Akmang hahakbang na sana ako paalis ng magsalita ulit ito. "Anong department ka pala?"

"Architecture, po."

"Wow, great. See you around." She smiled sweetly at napako ako sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya.

She kissed me on my cheeks!

Ramdam kong nag-iinit ang buong mukha ko and for sure ay pulang-pula na ito. Hinawakan ko naman ang pisnge kong hinalikan niya at hinalikan rin ang kamay na hinawak ko doon. Bwahaha, parang tanga.

My mood lit up because of her. Kaya napapasipol pa akong naglalakad papuntang parking lot. It's 4 PM already at puwede na ring umuwi. Dito ko na lang hihintayin si Lia.

Nang makapasok na ako sa sasakyan ko ay umidlip muna ako. Baka mapanaginipan ko pa yung magandang dilag kanina.

Hala, t*ngina! Hindi ko pala nakuha ang pangalan niya. Piste uy!!!

Tsk, di bale. Makikita ko pa rin naman siya, mwehehe. Matutulog na muna ako at sana'y makita ko siya sa aking panaginip.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mainit na kung ano ang dumampi sa noo ko. When I open my eyes, I saw Lia smiling at me sweetly. Siya pala ang humalik.

"Let's go?" She softly asked.

Luh? Akala ko galit ito? Bakit bigla atang ganito? Sabi na talaga sa inyo e. Baliw itong babaeng 'to!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now