CHAPTER 34

1.4K 36 1
                                    

Delaney

After nung napag-usapan namin sa cafeteria, what Pat has said stuck on my mind. Hindi naman sa nag-o-overthink ako dahil I'm sure hindi yun mangyayari sa amin ni Celestine. We promised each other. And after I graduate college, magpapakasal na kami. Nasabi ko na iyan. Malaki assurance namin sa isa't-isa and I am hundred percent sure with that.

Pero naaawa ako sa kaibigan ko. Baka hanggang ngayon naiisip pa rin niya yun. That won't be impossible, straight pa sa pinaka-straight si Miss Yvonne pero biglang napabaliko ni Pat. Hindi rin imposible na may makakapagpatino kay Miss Yvonne.

Pero hindi! Magkakatuluyan silang dalawa ni Miss Yvonne. I am sure with that. Patay na patay ba naman sa isa't-isa.

Tinatahak ko na ang parking lot dahil pinauna na ako dito ni Celestine at mauna na daw ako dito dahil may aayusin pa siya. Papasok na sana ako sa sasakyan ko ng may narinig ako sa tabi-tabing nagmumura.

"Asshole!" I know who's voice is that. Pinipigilan ako ng utak ko na lumapit pero may kung ano sa akin ang umuudyok na lapitan siya.

"What's the problem, Miss?" I asked ng makita ko siyang nakatayo sa tabi ng kotse niya habang sapo-sapo ang ulo niya. Siya pala yung may-ari nitong mustang? Cool.

"Nothing." Walang emosyong sagot niya.

"Let me help you, Miss. What's wrong?" I asked again. This time, tumingin na siya sa akin. Napalunok pa ako ng ilang beses after seeing her face. Napakatalas ng mga tingin niya na nakakatusok, at napakasama rin ng timpla ng mukha niya.

"I don't need your help, Bautista. Leave me alone." I didn't do what she said, bagkus naglibot ako at nakita kong butas ang mga gulong niya. Na naman?!

Mahirap pala 'pag sobrang ganda 'no? Binubutas ang gulong mo.

Shit! I mentally cussed ng may green na pumasok sa isip ko after what I've said. G*go ka, Delaney!

"Let me drive you hom---"

"Mahal, let's go." Pagyayaya ni Tine. Takte! Nandidito na pala siya.

Nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko naman pwedeng iwan dito si Miss Natalia, ayaw ko ring magselos si Tine. Nakakap*t*ngina!

"Sabay ka na sa amin, Nat." Malumanay sa saad ni Tine na ikinalaki ng mata kong tumingin sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at bumulong.

"You sure?" I asked that made her smiled at me widely and nods.

"Wala naman akong dapat ikaselos, 'di ba?" I smiled sweetly. Ito ang ang isa pa sa mga nagustuhan ko sa kaniya. She's very understanding at nalulugar ang pagiging selosa. Tama naman siya, wala siyang dapat na ikaselos.

"Miss, tara." Pagyayaya ko sa propesor pero nanatili lang siyang nakatayo sa kinatatayuan niya at blankong nakatingin sa amin pareho.

"Let's go, Nat." Nagulat pa ako ng hilanin ni Tine si Miss Natalia. At ang isa'y nagpahatak lang rin naman. "Gusto mong umupo sa passenger's seat?" Malumanay na tanong ni Tine habang nakangiti ng matamis kay Miss Li---este Miss Natalia.

She told me before, tanging malalapit na mga tao lang sa kaniya ang hinahayaan niyang tawagin siya sa nickname niya. Siguro'y hindi na ako kabilang doon, hihi.

"Ah, no. Dun na lang ako sa backseat." Sagot niya at pumasok na sa backseat habang tumabi naman sa akin si Tine at nagsuot na ng seatbelt niya.

I started the engine kasabay ng pag-play ko ng stereo.

"Sino ang iibigin ko,
ikaw ba na pangarap ko,
o siya ba? (o siya ba)

o, anong paiiralin ko,
isip ba o ang puso ko?
nalilito, litong, litong, litong,
litong, litong, lito...
sinong pipiliin ko,
mahal ko o mahal ako?"

Agad kong pinatay ang stereo dahil bigla akong nakaramdam ng awkwardness sa pagitan naming tatlo. Pashnea! Nakakap*t*ngina!

G*go ka, tadhana ah. Nananadya ka ba?

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now