CHAPTER 78

1.2K 40 2
                                    

Delaney

"Oh my gosh! The event is going to start! Where the hell is he?!" Umalingawngaw ang galit na galit na boses ni ate Jen.

Agad kong tinungo ang pinagmulan ng boses at natagpuang nanlilisik ang mga mata ni ate Jen na kinakausap ang si ate Roxie, our club's Vice President.

"I don't know. I can't contact him. I called him many times pero nakapatay ang phone niya." Mahinahong sagot ni ate Roxie pero bakas sa itsura nitong nababahala siya.

"Ghad! I thought I can now breath. Another headache again." Inis na saad ni ate Jen habang sapo-sapo ang noo nito.

"I'll find---"

"We can't! We freakin' don't have time!"

"Yes, we have. Mamayang long gown pa nga iyon. Ano ka ba Jen, can you please calm down?" Inis na bulyaw nito sa kasama.

"How can I calm down?" Naiinis pa rin ito.

"Huwag kang magagalit kung bigla na lang kita masasapak Jen ha!" Nawawalan na ito ng pasensya kaya lumapit na ako para makausap sila.

"What's wrong, ate's?" I asked.

"Well, ang ugok na Simon na iyon ay hindi sumipot dito. Sino na ngayon ang magse-serenade mamaya sa Professor's in their long gown? Gosh!" Ani ate Jen habang sapo-sapo pa rin ang ulo.

I was about to speak na tutulong ako maghanap when someone spoke behind me.

"Nothing to worry now, ate's. We just found it." Rinig kong saad ni Reiz mula sa likod ko.

Napaharap naman kaming tatlo sa kaniya ng nagtataka. Ngunit ngisi lamang ang itinugon ito sa akin. Wtf! I don't like what I am sensing right now ha.

"Reiz, don't tell m---"

"Bingo!" Natatawang putol nito sa akin. Lumapit ito sa amin and then tapped my shoulders at hinarap ang Pres. and VP namin.

"Problem solved. This beautiful friend of mine will be the one who'll serenade our Professor's. I believe she's way better than that Simon-guy." Proud na saad nito kaya tiningnan ko siya ng masama pero hindi man lang natinag sapagkat mas lalo lang siyang ngumisi.

"Seriously?"

"Seriously." She tapped my shoulders again and smiled. Tuwang-tuwang naman ang dalawa sa nalaman at nakahinga ng maluwag. Ako naman ngayon ang hindi mapalagay. Wtf!

Wala akong nagawa dahil literal na wala akong ginawa. Ni paghakbang mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko man nagawa. Walang ibang salita ang lumabas sa aking bibig.

Okay sana kung si Miss Natalia lang e. Kaso lahat kasi sila. Mga professors! Especially kabilang pa si Miss Dacey at baka maglambitin pa iyon sa akin mula sa stage. Tangina, huwag naman sana.

I just found myself walking papalapit sa stage. Eyeing the crowds behind this red curtain. Jusko, naku-kurdam ako. Ang dami-daming tao! Halos mapuno na ang buong gymnasium. Ang iba ay nagsisigaw pa ng kani-kanilang pambato. Wow, ang daming fans ni Miss Natalia ha. Infairness!

I get back to the back stage when the emcee's started the countdown. 1 minute at magsisimula na. Nagulat ako ng may biglang nanghila sa akin. Hanggang sa nasa harap na ako ng mga Professor's na ready nang lumabas para sa Production Number nila.

"Facilitate, Zielle. You're in-charge here." I heard ate Jen said kaya sinunod ko agad. Ganun ako kabait na bata.

"30 seconds!" I heard Reiz shouted, to me.

"Okay, position, ma'am's." Saad ko na agad naman nilang sinunod.

"10 seconds!"

"5 seconds!"

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now