𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟷𝟸

2.2K 74 0
                                    

Delaney

Nagliligpit siya ngayon ng pinagkainan namin. Ako na sana magliligpit nun but she insisted, edi bahala ka. Nandidito ako sa swivel chair niya habang ang mga paa ko naman ay nasa table niya while scrolling on my social media account. Parang opisina ko lang ah. Lol.

Napangiti ako when I received a message from a random person. Mukhang dummy account e. She sends me a 'Tula' that she made daw for me.

Well, weird pero mas na-a-appreciate ko pa ang ganiyang efforts than flowers and chocolates, to be honest. Ang cute kasi. Knowing she wasted her time just to write me this one. Ta's ang ganda-ganda pa. Nakakataba ng puso.

Bigla atang nahiwalay ang kaluluwa ko sa gulat when she grabbed my phone at masamang nakatingin sa akin.

"Who's this?!" Inis na tanong niya.

"The who?" Pabalik kong tanong.

"Is she your girl? Tsk, you're not allow to entertain anyone. Period." Diin na sabi niya at nagmartsa na palabas. Padarang pang isinara ang pinto.

Problema nun?

Like wtf. What the heck was that?!

Akala ko ba no attachment, walang pakialamanay ng private life, e ano yun?

Creep! That woman is crazy. She really is.

Pero okay na rin, maganda naman e. Tsaka masarap. Lol.

Natatawang sinundan ko siya. Hindi niya kasi binalik ang phone ko. Nang makalabas na ako ng office niya ay nakaramdam ako ng takot. Ang creepy kaya. Buong floor na ito ay opisina niya lang. Tumakbo ako papuntang elevator but then I stopped when I heard someone sobbing.

Tila nangisay naman ako sa kinatatayuan ko at ang pagtaas rin ng mga balahibo ko. Napalunok ako sa takot at parang naiihi na talaga.

Nag-sign of the cross pa ako.

T*ngina! Mama, bumaba ka muna diyan sa langit! Samahan mo 'ko dito. P*t*ngina talagaaa!!!

At p*t*ngina rin itong curiousity ko dahil nagawa ko pa talagang sundan kung saan nanggagaling iyon. Lumingalinga ako pero wala naman akong makita. Tumigil na rin naman iyon ng magsimula akong maglakad kanina.

P*T*NGINA TALAGAAA!!!

Agad akong tumakbo papuntang elevator at parang tanga na dali-daling pumipindot na parang end of the world na. G*go baka sundan pa ako nun. Ayoko na talagang bumalik dito. Nakaka-p*t*ngina talaga.

Lagot ka sa akin Medina! Iniwan mo ako dito. Titiyakin kong hindi ka na makakalakad pa!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now