CHAPTER 47

1.2K 34 3
                                    

Delaney

Nandidito ako ngayon sa kwarto ni Tine at nagbabantay pa rin. She's asleep. In five days ay makakalabas na siya. And we already talked na pansamantala muna siyang magsa-stop sa pagtuturo dahil hindi siya pwedeng mapagod. Napag-usapan na namin na ako ang magbabantay sa kaniya pero ayaw niya dahil ayaw niyang mapabayaan ko daw ang aking pag-aaral. Kaya we've decided na ang parents niya ang mag-aalaga sa kaniya na nung una ay ayaw niya sana, but she has no choice.

Maya-maya nga ay dadating na dito ang parents niya. Susunduin daw sana nina Miss Khea and Miss Bea pero ayaw naman nila. Kaya anytime soon, nandidito na sila.

Heto na naman ang kabang nararamdaman ko. Parang anytime lalabas na sa ribcage ko ang aking puso. How will I approach them? They told me that I should call them mom and dad pero parang nahihiya ako, haha. Paano ba?

Good morning, po. Kamusta---eeeeh, ampangit. Hello mom and dad, how was your flight---eeeh ampangit pa rin.

"Delaney, I'll buy our foods muna." Paalam ni Miss Natalia na tinanguan ko agad.

Sinundan ko ang lakad niya na ala-beauty queen ang dating. Ang hot! Swerte ng magiging boyfriend or girlfriend nito. Hulog ng langit na medyo buang, hehe.

Akmang bubuksan na sana nito ang pinto ng kusang bumukas ito. Agad naman ako napatayo ng makilala kung sino ang mga dumating. Ngunit ganun na lang ang aking pagtataka ng gulat na gulat ang parents ni Tine na nakatitig kay Miss Natalia. Hindi ko makita ang itsura ni Miss Natalia dahil nakatalikod ito sa akin.

Ibinalik ko ang aking paningin sa ama ni Tine na parang naluluhang nakatingin sa propesora. Wait?! Huh?!

"L-li-ia..." Mahinang tawag nito sa propesora. Magkakilala sila? "...an-nak?" Anak?!

Akmang yayakapin sana ng ama ni Tine si Miss Natalia pero tinabig nito ang kaniyang mga bisig. Ngayon, kitang-kita ko na ang itsura niya. Blanko at walang emosyon ang kaniyang mga mata. Ngunit nakita ko ang pagsilay ng inis sa kaniyang itsura ngunit agad ring nawala.

"M-mom...d-dad..." Lahat kami ay napatingin sa likuran namin kung saan nakahilata si Tine.

Nakangiti ito na ikinataka ko.

Nakangiting isinalin-salin ang mga tingin sa parents niya at kay Miss Natalia.

What the actual fck is going on?!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now