𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟷𝟻

2.2K 74 0
                                    

Delaney

Isang linggo na ang nakaraan simula nung nasigawan ko si Lia. Nawe-weirduhan na talaga ako sa kanya. Sobrang sweet niya na talaga sa isang linggong iyon. At sa isang linggo rin ay hindi ko na ulit nakita yung magandang propesor na iyon.

Takte! Akala ko ba see you around? Lol. Hindi ko pa rin alam pangalan niya. Hindi ko naman pwedeng itanong kay Natalia at baka mabalitaan na lang na lumulutang na ang bangkay ko sa dagat, lol.

I'm with my friends right now, at nasa cafeteria kami kumakain. Iisang korso lang kami except kay Pat na Engineering student. Isang subject lang ang parehas kami at iyon ang kay Natalia.

Nung una ayaw talaga ni Pat kina Hailee at Cash kasi they seem so weird daw pero sila na ang palaging nag-uusap tulad na lang ngayon. Napaka-talkative pala nitong ni Hailee, sobra. Parang speaker yung bunganga. Ngayon kami na lang ni Reiz ang nag-uusap.

"Sigurado ka bang wala kayong relasyon ni Miss Medina?" She suddenly asked.

"Wala talaga. Why?"

"Napapansin ko kasi kung gaano kasama niya tingnan si Ate Jen sa tuwing nag-uusap kayo." She explains. Ate Jen is a fourth year student. Siya ang President ng club namin.

"At bakit naman niya gagawin iyon?"

"Are you crazy? Of course she's jealous."

"Hindi naman ata. Ganun lang talaga siya. Sanayin mo na sarili mo."

"Hindi e---"

"Trust me, wala."

Hindi na siya nagsalita pa. Ayan tama 'yan, manahimik ka.

The bell rung, dali-dali namang nagligpit si Pat dahil may klase pa daw siya. Habang kami ay vacant namin. Nagpaalam sina Cash and Hailee na pupunta daw muna sila ng library, tumango naman ako. Pero ang g*gong si Reiz ay sumama sa kanila. At talagang iniwan nila ako?

Bumili na lang ako ng milktea sa labas ng University. I bought two, para sa amin ni Lia. Doon na lang muna ako tatambay at magpapalipas ng oras. Baka makapuntos pa ako. Lol.

Hindi na ako kumatok, binuksan ko na lang kaagad. Alam ko naman passcode nun kaya oks lang. Pero sana hindi ko na lang ginawa!

Napatingin silang dalawa sa akin ng humakbang pa lang ako papasok. Yes, she's with that beautiful professor I've encountered last week.

Nag-peace sign naman ako dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan. Umupo na lang ako sa couch at binuksan ang phone ko na binili niya sa akin. Naglaro ako doon ng zombie tsunami habang umiinom ng milktea.

"Thank you, Miss Natalia. Have a good day!" Boses iyon ni magandang dilag na hindi ko kilala.

I saw Natalia just nods. Hindi man lang ngumiti. Pero nagulat ako ng lumapit siya sa akin.

"Hi, Zielle! It's nice to see you again!" She said smiling widely. Nanlaki naman ang mga mata ko when she kissed me on my cheeks, AGAIN! "Bye!" At tsaka lumabas niya.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko at nararamdaman ang pag-init ng pisnge ko but I facepalmed para tabunan ito after realizing nanonood lang si Natalia.

Lagot ka, self!

"What was that?" Naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin.

"The what?" Pagmamaang-maangan ko.

"So, you know her?"

"T-the woman awhile ago?" Yeah, right. I stattered. Huwag kasing ipahalata na kinakabahan.

"Yes."

"A-ah. I don't know her." Hindi naman talaga e.

"Oh, really? But she knows you?" Her forehead creased. Papalapit siya ngayon sa direksiyon ko.

Kung nakakmatay lang talaga ang mga tingin siguro ay nakahilata na ako sa sahig ngayon. That's for sure!

"Yeah. Pero I don't know her name."

"Do you think paniniwalaan ko iyan?"

"Then don't."

"Guilty, huh?"

"Guilty saan? Totoo naman ah. I don't know her. Hindi nga siya nakapagpakilala e. She asked for my name lang. Hinatid ko siya last time sa Dean's Office dahil hindi niya kabisado ang office ni Dean." I explained. P*t*ngina ano itong ginagawa ko? "And I don't even know why I am explaining to you right now."

Inirapan niya ako dahilan upang tumaas ang kilay ko.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now