CHAPTER 22

1.7K 64 0
                                    


Delaney

Nandidito na ako ngayon sa bahay niya. Hindi naman ganun ka kalaki ang bahay niya pero maganda at malinis. Iisang subdivision lang pala sila ni Natalia. Hindi nga ata nakalahati itong bahay niya sa bahay ni Natalia.

I looked around and see lots of paintings and sculptures. Antigo pa yung iba. May tatlong goldbars din na naka-display sa gilid ng T.V. niya.

Maganda ang kabuuan at napaka-simple lang. Halos kasing laki lang ata ito ng condo ko. Pero yung sasakyan niya magarbo. BMW e. Sana all.

"Hey, let's eat na. The food is ready." Tawag niya sa akin habang may apron na suot. Naka-messy bun din ang buhok niya, damn! She's freakin' hot.

Umupo na kami and I lead the prayer. When she removed and her apron, tila nag-slow mo ata bigla ang paligid especially when she flipped down her black straight hair. Rinig na rinig ko pa ang bilis ng kabog ng puso ko na parang lalabas na lang ng ribcage ko anytime.

Unang tikim tirik mata kaagad---este, ano hehe. I mean masarap. Pero mas masarap luto ni Natalia e---argh! Puro ka na naman Natalia! Ikaw naman may kasalanan ta's ngayon hahanap-hanapin mo?!

Bobo ka, Delaney! Bobo!

"How does it taste?" She asked while smiling widely.

"Yum." Was all I said. Alangan namang sabihin kong mas masarap luto ni Natalia 'no.

Napangiti naman siya at nagsimula na ring kumain. Akma pa sana akong maghuhugas pero inagaw niya. I am her visitor daw kaya umupo na lang ako dito sa sala at nanood ng T.V.

My phone suddenly vibrate. It's already 8 PM, ganitong oras ay naglalapumngan na kami ni Natalia, haha. I mentally smiled habang inaalala iyon.

Kusang pinindot ng daliri ko ang images sa phone ko at bumungad sa akin ang isang katirba na pictures namin ni Lia.

Isang litrato ang nakapagpatigil sa akin. I smiled painfully. Knowing hindi ko na maibabalik ang closeness namin dahil nagpaka-manhid ako, without minding her feelings. Napaka-g*go ko sa part na iyon.

This picture was taken a week ago. I am peacefully
ķsleeping on her bed, while she's kissing my forehead. She's smiling while doing it.

She's my phone invader. Nag-selfie siya last time sa phone ko, ta's ginawa niyang lockscreen wallpaper ko. Nakita pa iyon ni Pat, hindi ako tinantanan hangga't wala siyang nakukuhang sagot. But sorry, wala talaga siyang nakuha. Lol.

Should I delete this photos na? Or should I keep it pa?

"Zielle!" Napalingon naman ako sa kinaroroonan ng boses. Boses yun ni Miss Celestine at nasa bathroom siya ng room niya ata.

Tumakbo naman ako papunta dun. I knocked.

"What is it, Miss?" I asked. Nasa tapat ako ng pintuan ng bathroom niya.

"I forgot my towel. Can you get it for me? Nasa bed ko." Lumingalinga naman ako at nakita ko agad sa bed niya. Kinuha ko yun at inabot sa kanya.

"Thank you, Zielle." I just nodded even hindi niya nakikita.

"Baba na po ako, Miss. Hintayin na lang kita dun."

"Okay."

Bumaba ako at naglinganga sa paligid. Nakakatakot naman dito kapag ikaw lang. Ngayon ko lang naramdaman kasi busy ako sa phone ko kanina. Lol. I decided to open my social media account. Unavailable na rin ang account niya. Hindi ko na siya pwedeng ma-message.

Later on, I found myself backreading our conversations. I decided not to delete it and our photos. Remembrance na lang din. Sayang din kasi.

While reading our old conversation, nararamdaman ko ang pag-init ng ilalim ng mga mata ko hanggang sa walang pasabing kumawala na lang ito sa mga mata ko.

Agad ko itong pinahiran when I heard Miss Celestine's footsteps.

"Hey." Tawag niya sa akin. Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya.

"Thank you for the yummy dinner, Miss. I'm afraid but I have to go. Madami pa po kasi akong ire-review." I stated formally.

"Oh, yeah. Hatid na kita sa labas." I nodded at ngumiti lang sa kaniya ng plain.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa and I started my engine. Pinaharurot ko ito because I'm too exhausted already. Gusto ko ng mahiga at magpahinga.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now