CHAPTER 33

1.4K 39 0
                                    

Delaney

Simula nung encounter namin ni Miss Natalia nun sa homeroom niya hindi na ulit siya nagparamdam pa---sa akin. She's still in this university; teaching. Pero everytime na magkakasalubong kami, siya ang umiiwas o 'di kaya'y lumilihis ng daan.

Okay na rin iyon, ayaw ko ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama si Celestine.

I admire her for being professional. When it comes to her class, napakagaling pa rin talaga niya magturo. Fair rin siya. Sa tuwing magtatanong siya and I will be raising my hand pinapasagot rin naman niya ako. Nasisiyahan ako dahil she's treating me fairly just like the others. Eventhough hindi pa talaga kami nakakapag-usap ng maayos. I still receive praises from her just like before, but in a normal way. Just like a normal professor and student relationship---not in romantic way.

They'll be having a girls night out this Saturday for Miss Ven's birthday. Of course I am invited, too. Nagkapalagayan na rin kaming lahat ng loob. Nakakausap ko na rin ng matino si Miss Khea after naging kami ng pinsan niya. Medyo distant lang talaga ako kay Miss Yvette kasi nakakatakot pa rin siyang i-approach. She's still as silent as before. Kailan kaya 'to ma-i-inlove para magsalita naman kahit pa paano. Parang hindi talaga sila kambal ni Miss Yvonne. Kung hindi lang talaga sila hawig ni Miss Yvonne, iisipin ko talagang isa sa kanila ang adopted. Lol.

"Sasama ka ba sa Saturday, Zielle?" Cash asked. Nandidito kami ngayon sa cafeteria nakatambay at kumpleto ulit ang barkada.

"Of course!" Masiglang sagot ko.

"Syempre, kailan ba iyan nahiwalay kay Miss Tine?" Natatawang singit ni Hailee. She seems so weird this past few weeks.

"Sabagay." Natatawang saad ni Cash. "How about you, Pat?" Baling nito kay Patricia na malayo ang tingin.

"Pat?"

"Patricia?"

"Patty?"

"Patchie?"

Lahat-lahat na ng pangalan niya inisa-isa na namin pero parang wala lang siyang narinig. Napakalayo talaga ng tingin niya at mukhang malalim ang iniisip.

I tapped her shoulders that made her look at me.

"Are you okay?" I worriedly asked. Tumango naman siya. "You sure?" Tanong ko ulit that made her smile and nods. Wala namang mali sa ngiti niya pero mukhang bothered lang siya.

"Nag-away na naman ba kayo ni Miss Yvonne?" Tanong naman ni Cash na ikinailing lang nitong kaibigan namin. "E ano pala?" Dagdag pa niyang tanong.

"Wala. Naisip ko lang, what if---" Here she goes again kaya I immediately cut her off.

"Gosh. You're overthinking again. Can you stop that? Mahal ka ni Miss Yvonne at patunay kami dun." Diin na sabi ko sabay naiinis na kumamot sa ulo ko.

"Yeah, I know that. It's just that, nagkita kami last time nung ex niya---yung Gil." We looked at her seriously signing her to continue. "Nagkausap kami ng masinsinan, hindi naman siya toxic kaya medyo comfortable rin ako sa kanya, and he is nice I admit. Pero yung huli niya talagang sinabi ang rason kung bakit ako nagkakaganito." She took a deep breath before continuing. "Ingatan ko daw ang puso ko. Kasi anytime pwede itong mangyari. Tatagal daw sa akin si Yvonne pero sa lalaki rin ikakasal." Mahina ang pagkakasabi niya nung last sentence. Tila nakaramdam ako ng kirot, at nakita ko rin ang paglungkot ng mga mukha ng kaibigan namin---even Reiz and Hailee?

Nuh, baka nasasaktan lang rin sila para sa kaibigan namin. Pero I admit, sapul ako dun. Hirap naman umiwas, natamaan pa talaga.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now