CHAPTER 44

1.2K 35 0
                                    

Delaney

Weekends ngayon and I am with my friends. Magsi-sleep over daw kasi kami mamaya kina Hailee kasi may of the country trip ang parents niya kaya solo namin ang bahay nila. Nasa grocery store kami ngayon at namimili ng mga kakailanganin namin mamaya.

Nakapagpaalam na rin ako kay Tine at pumayag naman siya. I should enjoy daw kasi I deserve this. Minsan lang rin naman kami nagkakasama ng mga kaibigan ko kaya ayaw niya daw maging selfish at ipagdamot ako. Aww, understanding girlfriend 'di ba? That's why I love her so much.

Hindi siya super tight sa relationship namin. She respect my decisions. And she trusts me so much. She's gentle in everything. Even the way she speak. Napaka-maalaga rin niya. She's good in everything. Kaya wala na akong maihihiling pa. I have the best girlfriend in the world. I am so blessed having her.

Napabalik ako sa realidad when my phone suddenly rung. It's Miss Khea, calling.

I answered it.

"Yes, miss?" I gladly asked. Napakunot ang noo ko kasi hindi normal ang paghinga niya base sa naririnig ko. At medyo magulo rin ang paligid.

"Zielle, come quick. We're in the hospital. Itinakbo namin si Tine dito." Puno ng pag-aalala ang boses nito at hinihingal pa ang boses.

"H-ha? What happened, Miss?" Naguguluhang tanong ko at siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Just come here. I'll explain to you everything. I'll send you the address." At walang pasabing ipinatay niya ang tawag.

Nataranta naman ako. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan kong aalis.

"Dude, what happened?" Kunot-noong tanong ni Cash.

"Isinugod daw nila si T-Tine." I am shaking right now. Even my voice. P*t*ngina hindi ako makahinga!

"Bakit daw?"

"I f*cking don't k-know."

"Relax, Zielle."

"How can I r-relax?!" Natatarantang sigaw ko. "Can you j-just give me the f*cking keys bago pa ako mahimatay dito?!" Natatarantang kinuha naman ni Hailee ang susi ng kotse niya. Isang sasakyan lang kasi ang sinakyan namin papunta dito.

After kong makuha ang susi ay tumakbo agad ako palabas ng mall. Hinihingal akong nakarating sa parking lot. P*t*ngina hindi ko pa maipasok ang susi!

"Are you kidding me?!" Naiinis na sigaw ko at sinuntok ang manubela.

"Ako na." Nagulat pa ako ng may biglang sumulpot sa tabi ko. Hindi ko pa pala naisasara ang pintuan ng sasakyan. I let her at umupo na lang sa passenger's seat.

She started the engine at pinaharurot ang sasakyan. I was caught off guard when she squeezed my hands.

"Relax, Delaney. Hindi matutuwa si Celestine kapag nakita ka niyang ganiyan. Just relax." Alo nito sa akin na effective naman. Na-relax ako at nakahinga ng maluwag kahit pa paano.

Nang mai-park niya na ang sasakyan ay patakbo ko ng tinahak ang ospital.

"Celestine Luxe Wharton, Miss."

"Room 342, ma'am."

Patakbo ko ring tinahak ang elevator. Buti na lang naipindot ko ng maayos. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

Kusang kumawala ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ng makita ko si Tine na nakahiga sa hospital bed.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Wala siyang malay. Umiyak ako at hinalik-halikan ko ang kamay niya.

"W-what h-happened?" Tanong ko.

Naririto sa loob sina Miss Khea and Miss Bea.

"Ti---" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto.

"What are you here, Lia?" Miss Khea asked.

"I'm with Delaney." Walang kaemo-emosyong sagot ni Miss Natalia.

"Behave, Natalia. Please lang." Miss Bea authoratively stated.

"I am not doing anything." Flat na tugon nito.

Nakikinig lang ako sa kanila pero ang atensyon ko nasa kay Tine. I'm worriedly sick. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyari kay Tine kasi dumating si Miss Natalia. Nag-uusap pa sila, ayaw ko namang sumingit. Sabihan pa akong bastos.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now