CHAPTER 18

1.9K 68 3
                                    

Delaney

Pumasok ako sa loob at binati nila ako except for Miss Yvette and Miss Khea. Miss Yvette just nodded when I said good morning at smirk lang ang ibinungad sa akin ni Miss Khea.

Alam niya kasing may kababalaghang namamagitan sa amin ni Natalia, but not in a romantic way. Dudang-duda kasi siya when she saw us sa parking lot. Na-confirm niya lang when she us kissing sa isang sulok ng building namin.

Ang kalat kasi ni Natalia. Hindi na makapaghintay ang kalandian e. Edi nakita kami ng kaibigan niya. Putek nakakahiya iyon sobra. Super!

Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa that time kaso semento ang tinatayuan namin e so hindi pwede. Tsaka hindi naman ata sila nangangain ng diyosang katulad ko 'no?

"What is it po, Miss?" I asked Miss Catiara ng malapit na ako sa kanya. Ipinaupo niya muna ako bago nagsalita.

"Is there someone na umaaligid-aligid kay Cash?" Biglang tanong niya na ikinataas ng dalawa kong kilay.

"Wala naman, po. Kami lang naman kasi parati ang magkasama e. Why, po?"

"Napapansin ko kasi lately palagi siyang lumalabas pero nagpapaalam naman siya sa akin kaso hindi sinasabi kung saan." Bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Hindi dahil parang naiiyak na siya ngunit dahil naalala ko kung bakit.

Cash is asking for our help para sa nalalapit nilang first anniversary. She wants to make it unforgettable daw e kaya pinaghahandaan niya talaga. Next week na ang anniversary nila at one week ang naging pag-iisip niya ng magiging preparations. Ako yung nae-excite sa pakulo niya e. Puro ideas ko kasi ang cinonsider niya.

Tumawa muna ako bago nagsalita, "Don't overthink too much, Miss. Cash loves you more than you think. We're just busy doing our projects na ibinigay ng profs namin. Nothing to worry about, Miss." I smiled at her sweetly to assure her. Nakahinga naman siya ng maayos after hearing it. Kung kanina bothered siya, ngayon her face lighten already.

Nagpaalam na ako at akma sanang bubuksan na ang pinto ng may bumukas dito that cause me na mauntog ang noo ko sa pintuan.

"Aw!" Malakas na tili ko. Napapikit ako dahil sobrang sakit!

"Sorry." I heard someone said and gently touched my hand kung saan nakahawak sa noo ko na nauntog. Tila nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko, at parang boltahe na nasa loob-loob ko.

I open my eyes only to see Natalia's worried eyes visible.

"I'm sorry, I didn't k---" Hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin ng magsalita si Miss Yvonne.

"Is that a hickey Natalia?!" Sigaw ni Miss Yvonne.

Hala g*go! The art I made! Nakita na nila, bwahahaha!

Nakita ko naman paano nataranta si Natalia after hearing it. Napangiti naman ako which caused her to glare at me. O 'di ba, buang talaga ang isang ito. Bilis ng mood swings e. Tinalo pa ang buntis o baka naman buntis siya? Eeeh? Hindi naman nakakabuntis daliri ko e. Lol.

"OMG! It is really a hickey! Guys, look!" It was Miss Venice. Lagot ka ngayon, Medina. You get your price, then. Bilis ng karma Medina 'no?

Deserve!

I mentally rolled my eyes.

"G-gosh! It isn't a hickey. Kagat ito nung insekto when I entered the restroom." Tila guilty na pagkakasabi niya. Guilty naman kasi.

Story maker na, buang pa. Saan ka pa? Tumakbo ka na---papalayo.

"So, sinasabi mo marumi ang unibersidad ko?" Mataray na tanong ni Miss Khea while crossing her arms and smirked to her malandi friend.

"I didn't say that." She defended herself.

"Parang ganun kasi ang sinasabi mo." Walang emosyong sagot ni Miss Khea.

I know she's just teasing Natalia pero itong isa inis na inis na ginagatungan pa ni Miss Khea. Lol.

"Whatever. Basta. It isn't a hickey. Do I have a boyfriend? Wala." O 'di ba buang talaga. Tanong niya sagot niya.

"Ka-fling, oo." It was Miss Khea again. I saw how Natalia glared at her, na parang sinasabi niyang manahimik na ito.

"Fling? We haven't heard about that Lia ah?" It's Miss Pia.

"You haven't heard kasi wala naman talaga." She defended again.

I just remained silent pero sa loob-loob ko tawang-tawa na ako. Additional pa yung facial expressions niya sa mga tanong ng kaibigan niya.

"Okay. Nevermind. Bakit nga ba kumpleto tayo ngayon? Yvonne?" Miss Pia asked.

Walang sumagot. I took that opportunity para magpalaam.

"No. Hintayin mo ako at sumunod ka sa akin sa office ko. May kailangan kang i-explain tungkol sa pinasa mong project." Ayan, storymaker talaga. E hindi naman siya nagbigay ng project. Isa lang ang ibig sabihin nun, lagot ka ngayon, Bautista. Prepare your ass!

Just kiss her kung tatalak lang naman.

Copy?

Paste.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now