CHAPTER 17

1.9K 62 1
                                    

Delaney

Naglalakad ako sa hallway ng nakabusangot when someone's calling my name.

"Zielle!"

I looked back only to see an unfamiliar face.

"Z-zielle..." Hingal na hingal itong huminto sa harapan ko. "Pinapatawag ka ni Miss Catiara."

Miss Catiara is Cashielle's girlfriend. Nakasama namin mag-night out one time si Miss Catiara. I've heard a lot about her, na katulad ni Natalia ay isa rin siya sa mga kinakatakutang Professor dito sa University. Pero iba iyong nakilala kong Catiara that night e. She's really approachable and nice. Sobrang gaan lang din siyang kausapin. Ang sabi ni Hailee, sa friends niya at friends lang ni Cashielle siya ganiyan. It makes sense.

"What does she want daw?" I asked.

"I don't know. Inutusan niya lang naman akong ipatawag ka. Nasa Faculty Room siya." She explained.

"Oh, okay. Thank you. I'll be going." At tsaka ko siya tinalikuran. I don't want to entertain someone na hindi ko ka-close, hindi ako friendly type. Tsaka wala rin ako sa mood 'no.

Tinahak ko ang Faculty Room. Pero may solo office talaga siya katulad ni Natalia. Nasa pinakaitaas na floor ng Education Building. She's an Education Professor. Pero parati siyang nakatambay sa Faculty.

I knocked thrice bago may sumagot. And when someone said 'come in' ay ang pagbukas ko ng pinto at bumungad sa akin ang grupo ni Natalia. Kumpleto sila, siya lang ang wala.

Pito silang magkakaibigan. Pitong kay sistriktong mga propesor sa unibersidad nito. Pero kapag kasungitan ay pag-uusapan, itabi niyo dahil dadaan si Miss Khea.

Now, let me describe them. Isa-isa.

Let's start with Miss Catiara. Miss Catiara is an Education Professor. Tigre daw sa loob ng klase pero parang kuting ng pinagalitan ni Cash dahil uminom siya ng alak kahit pinagsabihan siyang hindi. She has this straight silk hair na hanggang waist ang haba. Saktong kapal na kilay. Mahahabang pilik mata. Has emerald eyes. Matangos na ilong. Rosy cheeks. Manipis na mga labi. She's a babe.

Miss Venice; she's an Accounting Professor. Istrikta rin ang isang ito pero siya ang pinakamakulit sa grupo. Maganda siya at napakatangkad. Coach siya ng volleyball team.

Miss Pia; she's a Tourism Professor. Kung matangkad si Miss Ven, mas matangkad siya. Kung magiging pambato siya ng Philippines sa Miss Universe ay tiyak maiuuwi niya ang korona. That's for sure. Ang kaso, pageantry isn't her thing. Maganda rin siya. Napakaganda.

Miss Yvette; she's a Law Professor. The 'Manang' of the group. Her fashion really sucks. Pero maganda pa rin siya. Talagang her taste on fashion sucks. She's always wearing her glasses, yung pang-lola. She has a twin sister. She's the silent one, pero yung utak napakasagana. She graduated Summa Cum Laude at Harvard.

Miss Yvonne; she's a Criminology Professor. She is the twin sister of Miss Yvette. Unlike other twins, they are very opposite. Kung silent type si Miss Yvette, she's the loud one. Lol. Nangangalawa siya sa kakulitan kay Miss Ven. Close kami nito, siya coach namin sa taekwondo e. Napakabait niya, napakamaalaga, ta's napakaganda pa. Naikwento nga niya sa akin that she studied really hard because of pressure. Hindi niya kasi kasing-talino ang kambal niya kaya their parents are always comparing her to Miss Yvette. Kung si Miss Yvette hakot Academic Awards, siya naman ay hakot Curricular Activity Awards. Atleast daw may ibubuga rin siya kahit pa paano. I just felt bad for her nung kinikwento niya iyon sa akin.

Miss Kheatrice; she's a Business Ad Professor, and the owner of the University where I am studying. She has an older sister which is the President of the University, Beatrice Guadalupe. They look like a twin pero si Miss Bea is older than Miss Khea ng dalawang taon. Siya ang pinaka---masungit, mainitin ang ulo, mainipin, sadista, strikto sa grupo nila. Don't ever dare to talk to her kung walang sense lang rin naman ang topic mo. Siya rin ang nakakita sa amin sa parking lot ni Natalia when she lost her balance. Siya ang pinakamaganda talaga sa grupo nila. Pero siya rin ang may hindi magandang nakaraan kaya ganiyan siya. Her sister and her friends are her weakness. Iyan ang na-notice ko sa tuwing nakakasama ko sila. Iba siya kung mag-alala sa mga kaibigan niya. Katulad ko, wala na rin silang parents. They both died daw because of a disease. I am hoping talaga na makakita siya ng taong mamahalin lahat sa kaniya. Ang makakapagpalambot ng bato niyang puso.

And lastly, Miss Natalia. Isa lang ang ide-describe ko sa kaniya dahil alam niyo naman kung sino at ano siya. Pinakamagandang-malandi sa buong Earth. Ay dalawa pala, si Natalia ay BUANG!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now