CHAPTER 28

1.6K 48 0
                                    

Delaney

It's first day of school, again. Pero like last year, excited ako. Lalo pang naging excited syempre balik turo na naman ang aking mahal. Galing kaya niya magturo. Pero I am not sure if magiging professor ko pa siya.

We're on our way to the University. As usual, maaga pa ang dating namin. Before kasi 6 AM pa lang nandidito na kami dahil may classes siya ng 7 AM. Kaya nakasanayan na rin talaga namin.

I parked my car beside the cool mustang. Grabe, ang ganda niyan ah. Ta's bago pa ata. Kaninong sasakyan kaya iyan? Siguro kay Miss Khea o kaya kay Miss Bea. O baka naman isa sa mga propesor. Basta, sana all.

Naglakad na kami papuntang office niya. Buhat-buhat ko ang bag niya at agad na inilapag ito sa table niya when we got in her office. Tahimik lang siya mula pa kanina, red days daw kasi niya kaya hindi ko siya inaaasar muna dahil mahal ko pa ang buhay ko.

"Mahal, nagugutom ka ba?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Ngumiti siya ng pilit na nakapagpabahala sa akin.

"No, mahal. I'm not hungry. Kakakain lang natin ng breakfast sa bahay 'no." Natatawang sagot niya. Gosh, buti tumawa na siya. I felt relief.

"Okay, if you say so." Lumapit ako sa kaniya and kissed her on her forehead. I held her waist and looked her straight in her eyes.

"Is there something that's bothering you?" I worriedly asked.

"W-wala naman. Medyo sleepy lang, mahal." She smiled. This time, it was sincere. Now I believe you.

"Wanna sleep on my lap, there?" Tanong ko in a soft way sabay turo ng couch.

"Yes, please..." And by that, naglakad kami papunta sa couch at umupo ako dun para maihiga siya sa lap ko. My fingers ran through her silky hair and gently caressing it. Ang bango talaga.

"Sleep now, mahal." She smiled as she closed her eyes. Ugh! I'm so in love with this woman! I really don't wanna lose you. Never.

She's like a baby. Malumanay lang siya sa lahat ng bagay. Wala kang po-problemahin sa kaniya. Hindi rin siya bungangera. Hindi rin suplada o mataray. Basta, she's a complete package.

I am just thankful from the above for having her. I'm so lucky. I'm so grateful that I've given the chance to call her 'mine'.

Pinalaki siya ng maayos ng parents niya. Puno ng pagmamahal kaya ganun na lang kapuno ang puso niya nun.

Mas lalo akong nahulog sa kaniya dahil family-oriented din siya katulad ko kaya nagkakasundo kami sa ganoong bagay. Pero she's lucky dahil buhay pa ang parents niya. Malayo nga lang sa kaniya.

Hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa. Having you is enough. You are enough.

I smiled with my own thoughts.

Ramdam ko ng tulog siya because of the soft sound she's making. Medyo nakaawang rin ang bibig niya that I find so cute. Lahat na lang ng tungkol sa 'yo ay mahal na mahal ko. In those months na naging kami, I feel complete.

Mas lalo ko pa siyang minahal when she hugged and loved every flaws and imperfections of mine. And I did also to her.

Hindi ka lang mamahalin sa araw-araw, Celestine. Kung 'di pipiliin ka rin sa araw-araw kahit pa sa mga panahong sukong-suko na tayo. Sa mga panahong sa tingin natin hindi makakaya. Basta't palaging nasa tabi lang kita at hawak-hawak ang kamay mo, hindi magsasawang lumaban. Patuloy na ipaglalaban itong ating pagmamahalan---through best or worse.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now