CHAPTER 74

1.1K 37 1
                                    

Delaney

Ngayon ko lang napansin that she's with a guy. That Nic dude. I also realized he's so pangit. Like, so so so pangit. He has muscles and a nice body built. But his face? Oh, don't ask me. I'll just answer he looks like a poo. I swear!

Where did Miss Natalia's taste go?

I am at the restroom right now. Nagsuka lang ng kaunti kasi sukang-suka na ako kanina pa sa pagmumukha nung unggoy na iyon. Ewan ko ba, I know wala naman siyang ginagawang masama sa akin but seeing his face? Tss, kumukulo dugo ko.

Ngayon ay naghihimalos na ako ng mukha ng bumukas ang pinto. I didn't took a glance kung sino man ang pumasok. Wala akong paki. Mainit ang ulo ko ngayon.

I was about to step back ng makita ko sa reflection ng salamin na may nakatayo sa likod ko. Hindi ko maaninag ang mukha nito kasi natatakpan ng sarili ko. I only see her arm and the black dress she's wearing. There's something on her face too na parang black na nakatabon din. I know it's a 'she' kasi mahaba ang buhok.

Nararamdaman ko din ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko dahilan upang tumayo ang mga buhok ko sa katawan. Putangina!

I closed my eyes 'cause I don't want to step back or harapan kung sino mang kaluluwa ang nasa likuran ko ngayon. Putangina talaga!

Halos mawalan na ako ng hininga kakapigil kasi gusto kong sumigaw pero hindi ko man lang magawa. I didn't even dare to make a move o kahit paghinga dahil naduduwag ako.

Lemme tell you a secret, I really am afraid of ghosts. Honestly. And right now, I just wanna teleport for goddamn sake!

Naalala ko ang mini rosary bracelet ko sa kamay. Agad kong inabot ito kahit pa nanginginig ang buong katawan ko. Feeling ko hindi ko na maigalaw ang sarili ko.

Buong lakas akong humarap sa kaluluwang iyon at itinutok ang bracelet ko habang nakapikit ang mga mata ko. I don't wanna see her face kasi baka maging sirang plaka lang sa utak ko. Nakakaputangina talaga!

Nag-sign of the cross ako sabay sigaw ng, "Go away you fucking ghost. Don't you dare come near me coz I'll fucking send you to hell!"

Pero ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko, na naging triple pa sa bilis nung kanina. For pete's sake, tinawanan lang naman ako ng kung sino!

I slowly open my right eye and saw my gorgeous professor laughing her lungs out. Namumula ang buong mukha nito kakatawa at kahit ang tenga nito ay ganun rin.

Nag-e-echo sa buong restroom ang boses nito. Tawang-tawa amp!

Habang ako naman ay napayuko sa kahihiyan. Diing napapikit habang inaalala ang kagaguhang ginawa ko kabago-bago lang!

Lupa, eat me whole, please!

I swear to all gods and goddesses, you can take me.

Oh, please! Nakakahiya! Putangina!

"I am a bit offended, Bautista. Do I really look worse in your eyes for me to look like a ghost?" Diing saad nito kaya mahinang natawa ako while she crossed her arms.

Inangat ko ang tingin sa kaniya pero kitang-kita ko sa mga mata niya na natatawa pa rin siya.

She's wearing a red bodycon dress. She looks hot in her outfit right now.

Putanginang imaginations 'to! Ba't nagkaganun, huhu. Napahiya tuloy ako. Taksil ka talaga, self!

Siguro naging literal sa akin na kapag naiinis ako, nandidilim yung paningin ko. Bwesit na iyan!

I laughed mentally because of that thought.

"Now you're laughing after you got scared like a kid?" Inis na turan nito kaya inayos ko ang sarili at taas-noong binati ito.

"Good evening, Professor Medina. I'm sorry. I didn't mean what happened earlier. Medyo nahilo lang ako kaya medyo naging blurry ang paningin ko. Akala ko you were a ghost kasi hindi ka man lang nagsasalita o gumagalaw sa kinatatayuan mo." Pagsisinungaling ko pero tinaasan lang ako nito ng kilay. "And if you may excuse me, ma'am. I'm going out. It's nice seeing you here. Enjoy your night with your handsome boyfriend, Nic." Pagdidiin ko ng pangalan ng tukmol na iyon.

Pangit-pangit kaya niya!

---

A/N: please do vote. thank you so much & God bless!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now