CHAPTER 37

1.4K 38 0
                                    

Delaney

Naipasa ko na ang test paper ko at sinabihan ko na sina Cash at Hailee na mauna na muna. I fixed my things at isinuot na ang backpack ko. Hawak-hawak ko ang panyo k---niya, haha.

Tahimik lang akong nakatayo dito sa kinauupuan ko. Narinig ko naman ang pagsara nina Cash nung pintuan katulad na lamang ng ibilinin kong gawin nila. Hindi niya rin siguro alam na nandito pa ako sapagkat hindi man lang ako nito binalingan.

She facepalmed and took a deep sigh. Parang sinakluban siya ng langit at lupa ngayon. Na parang ang bigat-bigat ng dinadala niya. This is the first I saw her like thus. Nasa mukha pa rin niya ang mga kamay niya. Akma na sana akong maglalakad papalapit sa kaniya when I heard her sob.

Tila nakaramdam ako ng pagkirot ng aking puso after hearing her sobbing. Parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya at bigla rin ako nakaramdam ng lungkot. May problema talaga siya.

Kahit na naiinis ako minsan sa kanya, hindi ko naman kayang nakikita siya umiiyak. Lalo pa't hindi niya yun deserve. Kaya ganun na lang ang pagkamuhi ko sa aking sarili knowing isa ako sa mga naging rason ng pag-iyak niya noon. Hindi ko sinasadyang mahulog kay Tine.

Naglakad na ako papalapit sa kanya, hindi pa rin siya gumagalaw at rinig ko pa rin ang mahinang paghikbi niya.

Nakita ko ang gulat sa mata niya ng alisin ko ang mga kamay niya sa mukha niya at pinahiran ang mga luhang kumakawala gamit ang panyong hawak-hawak ko.

"Why are you crying?" Marahang tanong ko while caressing her cheeks.

Hindi siya sumagot sapagkat nakipagsukatan lang ito ng tingin sa akin. Seryoso at walang makikitang emosyon ang mga mata niya.

Nakaramdam ulit ako na parang tinutusok ng karayom ang puso ko ng makitang may pumapatak na mga luha sa kanyang mata habang nakatingin lang ng diretso sa akin.

Wala sa sariling niyakap ko siya at hinagod ang likod niya. The familiar feeling is on again. Feeling the electricity roaming through my veins. The war I am feeling on my tummy. The feeling of warmth when our body touches.

I didn't mind those as I continue on rubbing her back and my other hand is caressing her hair.

"Hush, Miss. I am here, you can share it to me. Kung gusto mo akong sigawan o saktan just for you to ease the heaviness you're feeling right now, just do it. I am willing to be your punching bag." Natatawang saad ko sa huling linyang sinabi ko.

Pero imbes na matawa siya ay narinig ko pa ang paglakas ng hikbi niya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkataranta. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya para lang i-comfort siya. I know her. I know she just need a hug to make herself calm.

"Please, stop crying, Miss." Alo ko sa kaniya. "Why are you crying?" For the second time, I asked her again.

Pero parang bingi lang talaga siya na walang narinig. She's hugging me back, at mahigpit na nakahawak sa dulo ng uniform ko habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ko. Nakatayo kasi ako at nakaupo siya sa chair niya.

"P-please, let's s-stay like t-this f-for a-awhile..." Hikbing saad nito that made my face softened. Bakas na bakas sa boses niya ang sakit. Ewan ko kung bakit.

I let her. We stayed like this hanggang sa tumahan siya. Ibinalik ko na rin sa kaniya ang panyo k---niya, hihi. Hindi na rin nagsalita pa. Nakatikom lang ang bibig niya hanggang sa tumahan siya. Nagpaalam na ako sa kaniya na ikinatango naman niya. I kissed her forehead before I left dahil may klase pa ako. Before I walked away, nakita ko pa ang mga malulungkot niyang mga mata while staring at me straightly. Bago pa ako maging marupok ay tumakbo na ako palabas dahil late na ako.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now