CHAPTER 77

1.1K 44 1
                                    

Delaney

Pagkatapak na pagkatapak pa lang namin ng parking lot ay agad kaming namangha dahil sa napakadaming nakaparadang sasakyan. Halos magagara. Nakaka-overwhelm naman ito.

Agad kaming dumiretso sa back stage kung saan ibinilin ni ate Jen na doon kami dumiretso. Nadatnan namin doon ang mga kasamahan naming may kaniya-kaniyang ginagawa. Ang naiutos naman sa amin ay to check the contestants.

Agad naming tinahak ang malawak na dressing room at siyang paglibot ng aking paningin. Doon ko nakita sa isang sulok ang babaeng naghahatid ng kakaiba sa aking nararamdaman. Ewan ko ba. Suddenly, I felt sad. I admit that I missed her. Huling tagpo namin ang iyong nasa parking lot kami ng restaurant.

Akmang hahakbang na sana ako papalapit sa kinaroroonan niya ng magsalita si Reiz sa likuran ko.

"30 minutes, Zielle." Diing bigkas niya at lumabas na. Nagpaalam na may pupuntahan lang daw at babalik din. 30 minutes ay magsisimula na ang pageant. Rinig na rinig ko mula dito ang malakas na sigawan ng mga tao sa labas lalong-lalo na ng mga kapwa ko estudyante. Nang sumilip kami kanina ay punong-puno ang napakalaking gymnasium ng Hillton. Halos magkadikit-dikit na ang mga tao. Ganun ba talaga kinaaabangan itong pageant ng mga professor's?

"Good evening, po. 30 minutes and then we'll start the pageant, prof's." Magalang na bigkas ko ng makuha ko ang atensyon nila---except sa isa na nasa malalim na pag-iisip ang atensyon.

I looked straight in her eyes at nanatili sa kinatatayuan ko. Bawat isa ay abala sa kani-kanilang mga gawain. Nakahinga naman ako ng maayos dahil nakita kong prepared na silang walo. They're wearing casual white collection that looked so elegantly in them.

Yeah, white collection ang theme nila. Ang ganda nga tingnan. Super neat!

Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa gawi niya ng hindi man lang niya napansin. Lumulutang ata yung isipan niya at nasa itaas ang paningin niya. Anyare dito?

Biglang naalala ko ang nangyari ng gabing iyon. Hindi na kami nagkita pa. Literal na hindi na talaga siya nagpakita simula nung gabing iyon at ngayon ko nga lang siya nakitang muli.

I felt a sudden range of nervousness habang papalapit ako sa kaniya. Pero nagpatuloy pa rin ako hanggang sa nakatayo na ako sa harapan niya.

Kinaway-kaway ko na ang kamay ko para maagaw ang atensyon niya sa iniisip ngunit walang bisa. Kaya I gently caress her cheeks that made her back to her senses at  napakurap-kurap pa.

"Hey," marahang tawag ko dito pero winaksi lamang nito ang aking kamay. Ang mga ngiti kong ka'y lawak kanina ay biglang naglaho.

"I'm sorry." Dagdag ko.

"What are you doing here?" Pagak na natawa ako.

"Seriously?" I asked back pero inis na tiningnan niya lang ako. "I mean, syempre nandidito ako kasi event namin 'to. Why? Ayaw mo bang nandidito ako?" Paawa ko. And I don't fucking know what the hell I am doing right freakin' now!

Imbes na sagutin ay tinitigan niya lang ako ng blanko at napakalamig. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil halatang wala siyang ganang kausap ako o ayaw niya lang talaga akong kausapin. Either the two.

"Okay, I'm leaving." Awkward na sambit ko at ngumiti ng nahihiya. "Goodluck!"

Akmang tatalikod na sana ako ng may biglang nanghila naman sa akin. Nang makaharap ko ito'y nakaramdam agad ako ng kaba. I don't know why. It's just Miss Dacey.

"You came here for me?" She asked at ipinulupot ang mga bisig sa aking batok. "That's so sweet of you." She added and pinched my nose na parang bata.

"That's so sweet of you, pa nga!" I heard Miss Natalia mimicked Miss Dacey's voice that made me chuckle. I don't know but I find it cute tho.

Ngunit hindi siguro narinig ng isa kaya patuloy lang ito sa paglandi sa akin sa harap ng mga co-prefessor's niya. Hindi na siya nahiya?

Hinay-hinay kong inalis ang mga bisig niya sa aking batok pero mas linakasan niya ang kaniya puwersa upang huwag matanggal iyon.

"Let's stay like this for a while." She softly said at ipinatong ang noo sa shoulders ko. Pilit rin niyang pinapahawak ang mga kamay ko sa bewang niya kaya I had no choice but to do it.

Mas lalo niyang ibinaon ang kaniyang mukha sa leeg ko and slowly moved. We're like dancing! Slow dance! Like a freakin' couple!

Parang may kung anong tumutusok sa balat ko na hindi maipaliwanag kaya napakalas ako sa posisyon namin a while ago. Miss Dacey looked at me questioning.

"Uhm...I-I have to go, Miss. Pinapatawag na ako ng mga kasama ko. Madami pang gagawin, hehe." At agad na tumakbo paalis at baka habulin pa ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas sa kwartong iyon. Hays, that was close. Kitang-kita ko kung paano mandilim ang mga mata ni Miss Natalia habang diretsong nakatingin sa amin ni Miss Dacey. Gosh, ang sakit sa balat ng mga masasamang tingin niya for goddamn sake!

Agad kong tinahak ang daan papunta sa mga kasama ko ng makita ko silang nakaupo sa isang sulok at mukhang pagod na pagod na.

Isang-isa kong tinap ang mga shoulders nila to say 'great job' to lighten up their moods. They looked exhausted.

"Ano ba iyan! Hindi pa nagsisimula ganiyan na ang mga itsura niyo. Look, calm down. Our event will be successful, tiwala lang. Fix yourselves, guys. Ang dudugyot niyo na!" Suway ko sa kanila at nagsitawanan naman kami.

---

A/N: please do vote. thank you so much & God bless! ♡

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now