CHAPTER 43

1.3K 32 0
                                    

Delaney

"Blooming tayo ah? Anyare sa resort?" Ani Hailee habang kumakain.

"Nabinyagan ang ating santa-santitang friend." Natatawang saad ni Cash.

"M-mga ugok! Manahimik nga kayo d'yan." Saad naman ni Pat na namumula na ngayon. Paano ba naman, guilty. Napaka-blooming niya ngayon, haha. Halatang bininyagan ni Miss Yvonne, bwahahaha!

"Ay sus! Ay sus! Guilty ka lang e." I teased her that made her blush even more.

Nadako ang paningin ko kay Reiz na tahimik lang. Hindi naman siya si Mark ah?

Speaking of Reiz, hindi pa pala kami nakakapag-usap. Feeling ko talaga may alam sila na wala akong alam e.

"Reiz..." Tawag ko sa kaniya pero nakatulala pa rin. "Reiz!" Tawag ko ulit pero dedma. "Hoy, Reiz!" Binato ko siya ng lata ng ininuman kong coke. Ayan, nakapaghiganti na ako sa wakas. Ang sakit kaya ng pagkakabato niya sa akin nung nasa resort kami.

"G*go, aray!" Tili niya at bumusangot pa. Dinilaan ko siya.

"That's my revenge!" She just rolled her eyes na ikinatawa ko lamang.

Pero agad ring sumeryoso ng maalala ko ang sasabihin.

"Are you connected to Miss Khea, Reiz?" I asked.

"H-huh?"

"Bakit ka nandun? Magkakilala ba kayo ni Miss Khea?" I asked curiously.

"Hi...hi. Uhm, Miss Khea and Ate Raya are childhood bestfriends. Inimbitahan niya ako kasi daw nandun rin naman kayo." Napatango-tango naman ako. Good.

I thought---nuh! Nevermind.

"To answer your question Hailee, sinayawan lang naman ng sexy dance ni Miss Yvonne itong si Pat. Ang santo nating kaibigan ay natulala at parang aso na nakanganga patak laway na nakatingin sa propesor." Natatawang sambit ko na ikinatawa naming lahat---except kay Pat.

"M-mgaa g*go kayo! Ewan ko talaga ba't naging kaibigan ko kayo e." Namumulang sambit ni Pat na lalong nakapagpatawa sa aming lahat.

"Pwede kaming makiupo sa inyo, girls?" It was a cold and authorative voice. Mas malala pa iyon kay Miss Natalia. I know kung sino iyon.

"Ah, M-Miss Yvette kayo p-pala." Saad ni Hailee. "Take a sit, po." Dagdag pa niya. Umupo sa tabi ni Hailee si Miss Yvette. Nasa tabi naman niya si Miss Yvonne. Nasa long table kasi kami kaya kasya kaming lahat. Umalis si Cash sa tabi ko at umupo sa tabi ni Miss Cat. Umupo doon si Tine na nasa left side ko. May bakanteng chair pa sa tabi ko. Nakita kong nakatayo pa si Miss Ven kaya tinawag ko siya.

"Miss Ven dito po k---" Natigilan ako dahil biglang umupo doon si Miss Natalia.

Oh gosh! Kapahamakan is waving!

At talagang pinagitnaan pa nila ako? Piste katama uy!

Nang iniangat ko ang tingin ko ay nakita ko ang natutuwang mukha ni Miss Khea na nakatingin sa amin. Nasa tabi niya si Reiz na tahimik pa rin at kung may anu-anong inaatupag sa phone niya.

I rolled my eyes at Miss Khea. Hindi na rin big deal iyon sa kaniya 'cause she knows it is just in a joke way. Medyo close na rin naman kasi kami.

"Mahal, hindi ka nakapag-breakfast kanina. Eat this." Ani Tine at nilagyan ng burger ang plate ko. Hindi ako nakapag-breakfast kanina kasi nagmamadali ako. Maaga kasi ang klase ko kaya nauna na ako dito sa university.

"Hindi siya mabubusog sa ganiyan, Celestine. Eat this, Bautista." Ani Miss Natalia sabay usog ng sisig with rice na dapat sa kaniya.

"She don't like spicy foods, Nat." Mahinahong saad naman ni Tine.

Palipat-lipat ako ng tingin sa kanila. Natalia's stares on Tine are too sharp while Tine's calm.

Water and Fire, yarn?

Matapos ang ilang minutong pagtitigan nila ay tumayo na ng walang pasabi si Miss Natalia. Binalingan ko naman ng tingin ang burger na inilagay ni Tine at tumingin sa kaniya.

"I'll just order you a tapsilog, mahal." She knows it's my favorite.

"No, mahal. It's okay. I'm good with this." Sagot ko sabay taas ng burger. Kinindatan ko pa siya just to assure her. I gently squeezed her hands na nasa lamesa.

"Are you s---" Naputol siya sa pagsasalita ng padabog na inilapag ni Miss Tine ay isang tray na may laman ng pagkain---tapsilog.

"Eat, Bautista." Maawtoridad na saad ni Miss Natalia na ikinatayo ng mga balahibo ko. Nakakatakot!

Tumingin ako kay Tine and she just smiled and nodded. She mouthed, "It's okay."

Kaya I have no choice at kinain ang tapsilog. Suki ako ng tapsilog ng cafeteria dito. Masarap kasi tapsilog nila dito e. Nakakabaliw.

"AWKward!" Singit ni Miss Ven na nakaupo sa tabi ni Miss Yvonne. Ang ibang mga propesora ay natawa ng kaunti except kina Tine, Miss Natalia, at Miss Yvette na seryosong kumakain.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now