𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺

2.9K 98 0
                                    

Delaney

Lunch break na namin ngayon. Napaka-terror pala nung magandang dilag na yun. Mas terror pa siya sa second subject naming matanda. Hindi na ako umuwi bagkos kumain na lamang ako sa restaurant namin. Nung vacation ako ang namamahala dito pero dahil pasukan na ulit, tuwing weekends na lang ako nagbabantay dito. May maaasahan naman akong manager dito kaya why not. She's like an ate to me. At! Napakasarap magluto. Manager x chief cook. O 'di ba, sana all.

Buti na lang talaga hindi ako natandaan ni Miss Medina, kung hindi ay lagot ako. Pero parang mas lagot siya sa akin. Napakasakit ng pagkakasampal niya sa akin. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Hindi rin ako bastos. Malaki ang respeto ko sa mga babae.

Mabuti na lamang at magaling akong mag-manage ng time ko. Naipagsasabay ko ang pag-aaral, pamamahala ng kompanya ni daddy, restaurant ni mommy, at ang bar na regalo ko sa sarili on my debut.

I parked my car sa parking lot, dali-dali akong lumabas ng may bigla akong narinig nagsisigawan. Nataranta ako kaya hinay-hinay kong hinanap ang malalakas na boses only to see my great professor shouting on a guy.

Naka-smirk lang ang lalaki while looking at her seductively, while my professor's really mad. Namumula ba naman ang buong mukha.

"Don't you ever touch me, you f*cking id*ot!" Singhal nang propesor ko habang idinuduro-duro ang lalaki.

"Oh c'mon, Natalia. Let me taste you just once. Then I won't bother you---nuh-uh---I'll still bother you...forever!" Tumawa ito na parang diablo. Kumulo ang dugo ko at napakuyom ang mga palad ko. Ang kinaiirita ko sa lahat ay ang makitang may babaeng binabastos!

Akma na sana akong susugurin ang hinayupak na 'yon ng sampalin siya ni Miss Medina ng napakalakas. Aw! Mas malakas pa ata yun sa sampal niya sa akin nun.

Mas lalong dumilim ang paningin ko ng akma niyang hahawakan ang dibdib ng propesor kaya tumakbo ako papalapit sa kanila and punch him so hard. Ibinuhos ko lahat ng lakas ko kaya napatumba siya agad. Don't mess with a taekwondo black belter. Nag-e-ensayo na rin akong mag-boxing. Kaya deserve mo 'yan! Tarantado ka kasi!

Nang masiguro kong wala na itong malay ay agad kong hinarap ang propesora kong gulat na gulat sa nangyari.

I chuckled.

"Are you okay, Miss Medina?" I asked.

"Y-yeah." She replied. Wow ha, she stuttered? "Delaney Baustista, right?" She asked. Ngayon ay kalmado na siya. Second name ko lang?

"Yes, ma'am." I confidently answered. Seems like she doesn't remember me naman, lol.

"What are you doing here?"

"Ahm, nag-park ng sasakyan ko? Dahil magla-lunch ako sa restaurant na 'to?"

"Gosh. Of course. By the way, thank you for saving my ass back there." Naglalakad na kami papasok sa loob.

"Nuh, that's nothing, po."

"Now we're even." She smirked. Naguguluhang napatingin ako sa kanya. "Remember at the bar? When you filled me with an alcohol at akma pa sanang pupunasan ang dibdib ko. Tsk, how rude." She rolled her eyes at me.

Natatawa akong tumingin sa kanya.

"See? You're guilty. Tsk, such a pervert." She rolled her eyes again.

"Excuse me, Professor Medina. But it was just an accident. I didn't mean na matapunan ka ng alak. May nakatulak kasi sa akin kaya sa 'yo natapon. Tsk, kung magtatapon lang naman ako ng alak e hindi yung presyong ginto na alak 'no, jusko. At nagmagandang loob lang naman akong punasan dahil babae rin naman ako. Walang malisya yun 'no." Pagpapaliwanag ko that made her blush.

Luh?

"Oh gosh! You're blushing, Professor!" I teased her that made her eyes roll. Na naman!

"Isa pa talagang irap Professor Medina, you won't like what I will do to you." I smirked, just to tease her.

"See, you're a pervert, Bautista!" Nagmamadali itong pumasok sa loob. Habang ako ay tawang-tawa sa inasta niya.

Ang cute naman!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now