CHAPTER 59

1.1K 31 0
                                    

Delaney

Hinati na namin ang mga lugar na kailangang puntahan upang maghanap ng pwedeng magiging donor. Madami sana kaso hindi naman compatible kay Tine, sayang talaga. Ganun rin daw ang balita ni Miss Natalia. Ang hirap pala kapag ganito.

I'm on my way papunta sa restaurant na tinutukoy ni Miss Natalia. Doon na lang daw kami magkikita at para makapag-lunch na kami agad at makabalik sa paghahanap ng pwedeng maging donor.

Nilingalinga ko ang aking mga mata ng makapasok na ako sa loob. This restaurant is indeed elegant. I bet only millionaires and biliionaires can afford their foods.

Kumbaga napaka-futuristic siya.

All walls are glass. The tables and chair are wooden well-crafted. Napakaganda sa paningin.

Nang ilingalinga ko ang aking mga mata, puro malalaking tao ang aking nakita. Halata kasi sa tindig at postura ng mga ito.

Maya-maya pa'y nakita ko na si Miss Natalia, waving her hand while smiling widely showing her shiny teeth.

"I've already ordered." Panimula nito.

"How long have you been?" I asked not minding what she said. Tama rin naman na nag-order na siya dahil hindi ko naman alam kung ano ang masasarap na kakainin.

"I just arrived a while ago." She answered at tipid na ngumiti.

Medyo naging awkward ang atmospera between us. Tahimik rin kaming kumakain at tanging mga kubyertos lamang ang naririnig ko at ang iilang ingay sa kabilang table.

"Why did you accompany me?" I asked out of nowhere.

"I already answered that, Delaney. I said Khea asked me to."

"Hmm, sure?" Mapang-asar na tanong ko just to flip the awkward atmosphere between us.

"Assuming." Tipid na saad nito sabay irap sa akin na ikinatawa ko.

"Indenial." I rebutted but I just received a roll-eye.

Humigit isang oras kami sa restaurant na iyon bago nakaalis. Paano ba naman, e ang sasarap ng mga pagkain nila. Feeling ko nga magmo-mukbang kami kanina kasi napakadami ba naman ng mga pagkaing in-order niya. We even argue kung sino ang mag-o-order. Sa huli, talo ako. Mabilis ang kamay niyang naibigay ang credit card sa waitress. Kaasar!

Kinagabihan, wala pa rin kaming nakukuhang donor. Umuwi kaming nakahalumbaba. Bagsak ang katawang inihiga ko ang sarili. I felt so drained. Sumasakit na rin ang ilalim ng mata ko sa kanina pang pagpipigil ko ng luha simula nung pauwi kami. Nakakapagod pala ang ganito 'no?

Pero hindi ko dapat nararamdaman 'to. Kailangan kong magpalakas para kay Tine. Walang dapat na mapagod.

Wala ring susuko!

Parang lantang gulay na ako ngayon pero nakuha ko pang bumangon mula sa higaan ko. Lumabas ako para kumuha ng alak sa mini bar counter ng kitchen. Nang lumabas ako ay hindi ko nakita si Miss Natalia. I guess nasa kwarto na rin niya siya. Pagod rin ang isang iyon.

Kumuha ako ng tatlong bote ng wine at isang whiskey. I need this right now. Para lang mailabas ko lahat ng frustrations ko right now. I know na pinagbabawalan ako ni Tine uminom nito pero ito na lang ang naiisip kong paraan upang maibsan ang lungkot na aking nararamdaman ngayon.

Kumuha na rin ako ng isang wine glass, ice bucket, at dumiretso na pabalik sa kwarto ko. Inilapag ko iyon sa sahig sa may bandang carpet katabi ng higaan ko. I rest my back sa kilid ng bed. Nagmuni-muni muna bago magsimulang uminom. Gusto kong makausap si Tine pero kung gagawin ko iyon panigurado uuwi ako ng wala sa oras. Ina-update naman ako ni Miss Khea tungkol kay Tine kaya payapa ang aking isip sa pag-iisip if what she is doing, if she's okay. Ang tanging iniisip ko lamang ay ang magiging donor ni Tine.

Una kong binuksan ang whiskey at agad na nagsalin sa aking wine glass. Inisang lagok ko kaagad ito at napapikit pa ng mariin dahil sa init at pait nito.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now