CHAPTER 69

1.1K 37 2
                                    

Delaney

"Tingnan mo kasi ang list." Rinig kong bulong ni Reiz matapos niyang marinig ang sinabi ko kung sumali ba ito.

And right there, I saw her name.

Napansin ko ring siya lang ang sumali sa buong barkada nila. Siya lang talaga. Ni isang pangalan ng mga kaibigan niya wala talaga.

"Halatang napilitan ang isang iyan, Bautista." Natatawang bulong sa akin ni Reiz kaya natawa rin ako. Tama naman ata siya.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang photoshoot. Nagpabunot kami ng number at ikapito ang nabunot niya. Walo silang lahat at second to the last siya sa kukuhanan ng picture.

Nagsimula kami sa Criminology Department na nakabunot ng unang numero.

She's Professor Tanya Takahashi. May dugong hapon at halata rin naman sa apelyido niya. Napakaganda niya pero medyo matigasin ang galaw niya.

Nang matapos si Prof. Takahashi ay sumunod naman ang Accountancy Department.

She's Professor Abegail Martinez. Maganda siya at mukhang maligalig base sa mga galaw niya. Ang charming niya din. She has cute little dimples na hindi ganun ka-deep.

Sumunod ang Education Department.

She's Professor Layla Marianne Fiel. She has this strict aura. Pero maganda siya. Her aura is little intimidating too. Ni pagngiti hindi niya ginagawa kahit na nasa photoshoot na siya.

Pang-apat na sumunod ay ang Tourism Department.

She is Professor Gwen Ellie Destacamento. Everything she do ay napaka-cute niya. Mukha siyang anime character, sa true lang. Ang ganda-ganda rin niya at napaka-puti ng balat na parang ipinaliligo niya ang gatas.

Panglima ay ang Business Ad. Department.

She is Professor Katrina Felicidad Redson. Maganda siya. She looks like a barbie. She has this charming smiles too. She has long straight hair na hanggang bewang niya.

Pang-anim na sumunod naman ay ang HRM Department.

She is Professor Shaharra Delni Filton. She has chubby cheeks pero napaka-sexy ng katawan. Napakatangkad rin niya. Hanggang balikat ang curly na buhok niya. Kayumanggi ang balat niya pero halatang may lahi ito. Ang ganda niya.

Syempre hindi magpapahuli ang Department namin. Ang kapatid ng girlfriend ko. Nasa dugo talaga nila ang pagiging sobrang ganda.

No other than, Professor Natalia Anastasia Medina. An Architecture Professor. The Pride of our Department and the Pride of English Club. She did three fierce shots at napaka-photogenic niya. Kada signal ni Pat na mag-pose siya ay ang galing ng resulta. Pero napansin kong hindi rin ito ngumingiti katulad ng propesor ng Educ. Dept. kaya may naisipan akong ideya.

Kinuha ko ang atensyon nito sa pamamagitan ng pag-tap ng shoulders ni Pat. Hindi naman ako nabigo't nakuha ko nga ang attention niya---or should I say, nila.

"Excuse me, Pat." Napatigil naman ito sa ginagawa at tumingin ito ng nagtatanong. Itinaas ko ang paningin sa babaeng nasa gitna ay prenteng nakaupo sa stool.

"Hey, Miss!" Pagtawag ko dito. "Smile. They're watching." Sabay turo ko sa mga kaibigan nitong nasa likuran at siya ring pag-ingay ng mga ito.

"Go, babe! Go, Natalia!" Sigaw nila at nangunguna talaga sina Miss Ven at Miss Yvonne. Napakaligalig talaga ng dalawang iyon.

Nang ibalik ko ang paningin ko sa magandang babae sa gitna ay awtomatikong napangiti ako dahil may maliit na ngiti na ngayon ang mga labi nito ngunit hindi pa ako nakuntento doon. I mouthed 'smile' sabay action pang ngumiti ng napakalawak. Hindi naman ako nabigo at napangiti ko ito.

Malawak ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito hanggang sa matapos na siya. She even mouthed 'thank you' na tinanguan ko lang at ngumiti ng napakalawak.

My pleasure, madame.

And lastly, from Engineering Department.

She's Professor Faye Dacey Mckinley. She stands-out to be honest. Napaka-ganda niya. Yung tipong parang hindi nagalusan simula bata pa siya. Parang ang perfect nito at halatang kabogera. Mahigpit na kalaban ang isang ito. I think sanay ito sa mga ganito. I'm sure.

Maya-maya pa'y natapos na ang photoshoot. Nagsimula na rin kaming mag-serve ng foods ng lahat pero napatigil ako ng tinawag ako ng Engineering Prof. na si Miss Mckinley.

Nakangiting hinarap ko naman ito at agad rin niya ako sinuklian ng napakalawak at napakatamis na ngiti.

"Hi!" Bati agad nito at binati ko rin ito pabalik. Ganun rin ang ginawa ko sa dalawang kasama niyang Professor's din.

She was about to say a word again when someone pull me from my wrist. Agad naman tumaas ang kilay ko as my forehead creased. Nang mapagtanto kung sini ang gumawa nun ay mas napasama ang tingin ko dito. What's her problem? Bakit bigla-bigla na lang siyang nanghihila.

"Stay away from that leech."

---

A/N: please do vote. thank you & God bless!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now