CHAPTER 72

1K 42 0
                                    

Delaney

Nasa cafeteria ako ngayon at puno dito ng mga estudyante dahil lunch break. Lahat rin ng nandidito ay may hawak-hawak ng kanya-kanyang mga phones at pinagpi-piyestahan ang mga kaka-upload na litrato ng mga propesora kanina.

"Slay Professor Medina!"

"Grabe, ang ganda-ganda ni Miss Natalia."

"Kapag itong si Prof. Medina naging asawa ko, kahit kawawain pa ako nito araw-araw, ayos lang."

"Prof. Medina suntukin mo po ako, ako pa ang magso-sorry."

"Shit, ang ganda rin ni Prof. Mckinley."

"Tulo laway mo, bro."

Iilan lang iyan sa mga narinig ko mula sa mga estudyanteng malapit sa puwesto namin. Lamang si Miss Natalia ngayon ng limang daang likes kay Prof. Mckinley.

Well, if you would ask me, mas lamang si Miss Natalia talaga. Syempre, ganda ba naman ng lahi, jusko. Super!

"Bro, take a look!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki at pinaharap pa ang kaibigan niya sa pintuan ng cafeteria.

I took a glance on the door and was amazed of what I am seeing. Tila naging slow-mo ang pagpasok ng mga propesora sa loob na akala mo ay nasa Victoria Secret Runway ang kanya-kanyang mga lakad.

Walo silang lahat dahil kasama nila si Miss Bea. Miss Khea's sister.

I came back to my senses when someone pats my head at tumabi ito sa akin. Napangiti ako ng makilala ito. It's Miss Bea.

"Hey, lil sis. How are you?" Masayang bati nito sa akin na tinugunan ko naman ng napakatamis na ngiti.

"I'm doing great, Miss." I replied.

"How many times do I have to tell you to call me Ate---"

"When we're not in the University." Putol ko dito at ngumiti. She rolled her eyes in defeat na ikinatawa ko na lang.

Ngayon ko lang napansin na nakaupo na pala lahat ng Professor's dito sa table namin. Buti nagkasya kami.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla ako nakaramdam ng inis ng mapunta ang paningin ko sa babaeng kay lawak ng ngiti habang may kausap na tukmol.

Tss, ang mga pangit hindi dapat nginingitian.

"Ehem," rinig kong tikhim ni Miss Bea kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang pumipigil siya ng tawa. "Selos ka?" Tanong niya na ikinalito ko.

"Huh?" I ask confused.

Ngumuso naman ito sa bandang pintuan kung saan nag-uusap sina Miss Natalia at ang tukmol na kung ano mang pangalan niya. Tss, sana hindi masarap ulam niyo.

Tiningnan ko naman ito ng hindi makapaniwala pero tinawanan lang ako nito kaya sinamaan ko siya ng tingin at hindi kinausap.

I focused on my food at inis na isinubo ang ice cream ko, pangpalamig ng ulo. Ewan ko bakit ako naiinis e, piste!

"Who was it, Lia?" Nangtutuksong tanong ni Miss Ven kay Miss Natalia ng nakalapit na ito sa table namin. Agad itong umupo sa vacant seat na nasa tabi ni Miss Khea na nasa harap ko lang.

"It was Nic." Simpleng sagot nito at umayos ng upo.

Nagsitilian naman ang mga kaibigan niya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila kasi naiinis ako sa pagmumukha nitong propesora na halatang nasisiyahan naman sa panunukso ng mga kaibigan niya.

"Mensue?" Nakakalokong tanong ni Miss Pia na lalong ikina-ingay nila. Kung makatili parang hindi mga propesora ah.

"Nuh. He's just a friend." Pigil ngiti naman ni Miss Natalia.

"Friend daw." Panunukso naman ni Miss Ven na sinabayan naman ni Miss Pia. Hay, kahit kailan talaga.

"Oh c'mon you guys, he's honestly just a friend." Ugok nagpapatukso lang naman lalo.

"Alright. Maybe not now but soon." Tukso ni Miss Pia na ikinatili na naman nilang lahat.

Hindi sinasadyang napalakas ang hiwa ko ng pork na ulam ko na nakakuha ng atensyon ng lahat. Napaangat naman ako ng tingin na sana hindi ko na lang ginawa kasi lahat ng mga mata ng nasa table namin ay na sa 'kin nakatitig.

"Galit ka ba, Zielle?" Birong tanong ni Miss Catiara sa akin na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Mga ugok!

"Huh? Hindi, po." Sagot ko at nag-peace sign pa.

"Nagseselos lang iyan." Singit naman ni Miss Khea na nakangising nakatingin sa akin. Isa pa 'to e, sarap nilang pagbanggain ni Miss Bea.

"Selos of what?" Napipikong tanong ko na ikinatawa lang nila. Tss, ano ang nakakatawa?

"Just admit it that you're jealous of that Nic, Zielle!" Natatawang sambit naman ni Miss Khea na lalong ikinapikon ko.

"Why would I?" Nauubusang pasensya na sagot ko pero tawa lang ang narinig ko sa kanilang lahat. May pinagdadaanan yung tao tapos tinatawanan lang. Nananahimik ako dito e. Mga epal!

---

A/N: please do vote. thank you so much & God bless!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now