39

10 0 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin makalimutan yung text message na natanggap ko. Sinubukan kong ipahanap sa kanila kung sino talaga ang may ari ng number na 'yon pero hindi talaga nila ma-identify kung sino.

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa loob ng opisina ko. Hindi ko alam kung ano ang alam niya pero sigurado ako na kung sino man siya ay marami siyang nalalaman kaya kailangan kong mahanap ang taong yun.

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang bumukas ang pinto at pumasok dun si Cheska. Maingat niyang sinara ang pinto at diretsong nakatingin sa'kin.

"What are you doing here?" Walang emosyon kong tanong sa kanya.

"Balita ko nagkakalabuan kayo ng asawa mo." nakangisi niyang sagot sa'kin.

Dahan-dahan akong naupo at humarap sa kanya.

"Kung nandito ka lang para sirain ang araw ko pwes wala akong panahon at oras para dyan, pwede kanang umalis dahil madami pa akong trabahong tatapusin." walang emosyon na pagsagot ko sa kanya.

Naglakad siya papunta sa harap ko at pinatong ang dalawang kamay sa table ko.

"Ito lang ang tandaan mo, kung nakaya kong sirain ang buhay mo noon, kaya ko rin gawin yun ngayon." nakangisi niyang sagot sa'kin at tuluyan akong iniwan mag isa.

Halos malukot ko ang papel na hawak ko dahil sa sinabi niya. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho at hindi na inalala ang mga sinabi niya.

Abala ako sa paggawa ng mga papeles ng biglang may kumatok sa pintuan ko kaya agad kong tinigil ang ginagawa ko.

"Come in," maikli kong ani.

"Madam, busy po ba kayo?" Nakasilip na tanong ni Danica.

"You can come in," pagsagot ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagbukas ng pinto at naglakad papunta sa harap ko.

"What do you need?" Nagtataka na tanong ko.

"Madam, nilipat po nila ang meeting sa kompanya nila Sir Chase." nakayukong sagot niya sa'kin.

"Akala ko ba okay na sa kanila na dito ang meeting?" Nagtataka kong tanong.

"Pinalipat daw po ni Sir Chase kasi hindi daw po sila makapunta dito." nakayuko pa ring pagsagot niya.

Napasandal ako sa kinauupuan ko habang hilot-hilot ang sentido ko.   "Ipahanda mo ang sasakyan." malumanay na sagot ko sa kanya.

Mabilis siyang lumabas sa opisina ko habang ako ay kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Chase.

{What do you need?} Salubong na tanong niya sa'kin.

"Can you please explain to me kung bakit hindi ka makakapunta dito." maikling sagot ko sa kanya.

{Kung ayaw mong pumunta rito hindi kita pinipilit.} maikling pagsagot niya sa'kin at binaba ang telepono.

Mas lalo akong napahilot sa sentido ko. Napamulat ako ng mata ng muli kong marinig ang pagbukas ng pinto ng opisina ko.

"Madam, ready na po yung sasakyan."

Agad kong inayos ang gamit ko at naglakad palabas sa opisina ko. Naglalakad ako papunta sa elevator habang nakasunod sa'kin si Danica. Pagbaba ko sa lobby ay agad akong sinalubong ng driver ko at mga pagbati ng ibang empleyado. Inalalayan akong makasakay ni Danica at sumakay na rin siya sa harapan.

Pledges Of PredilectionWhere stories live. Discover now