43

8 0 0
                                    

"Ano na naman ginagawa mo dito sa opisina ko?" Bungad na tanong ko kay James.

"Bakit? Bawal na ba tumambay dito?" Seryosong sagot niya.

"Nga pala, may reason din pala ako kaya nagpunta ako dito."

"Ano yun? Kung uutang ka sa'kin pwes umalis kana dahil hindi ako nagpapautang ngayon." Seryosong sagot ko.

"Hindi yon! About sa anniversary party ng company? Anong plano mo?"

"Wala pa akong naiisip na theme pero ang gusto nila Mom and Dad sa hotel ang venue. So far naghahanap pa kami ng hotel na pwedeng gawing venue."

"Si Vanessa, marami siyang kakilala sa mga hotel industries tsaka si Athena, bakit hindi ka magtanong sa asawa mo?" Seryosong tanong niya.

"She's busy," maikli kong sagot

Nakita ko kung paano siya ngumisi sa harap ko at pailing iling na bumalik sa sofa.

"Sige, ako nalang magtatanong baka naman kasi nahihiya ka lang sa misis mo." Natatawa niyang sagot.

Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin at nakita ko ang pagtawa niya ng malakas.

Ilang oras pa ang tinagal ni James sa opisina ko at agad na nagpaalam. Tanging tango nalang ang naisagot ko dahil sa sobrang busy ko hindi ko na rin namalayan ang oras at gabi na.

Napukaw ang atensyon ko nang may kumatok sa pinto.

"Sir, tapos na po ang working hours ko mauuna na po akong umuwi, kayo po ba maiiwan pa rito?" Bungad na sabi ni Cassandra.

"No, I will leave too, you may go first."

"Okay po sir, ingat po kayo."

Dahan - dahan niyang sinara ang pinto at umalis.

Inayos ko ang gamit ko sa table ko at umalis na ng opisina.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakaupo si Athena sa sala habang abala sa ginagawa niya sa laptop. Dahil sa pagka focus niya ay hindi niya napansin ang presensya ko.

"Are you busy?" Pagpukaw ko sa atensyon niya dahilan para mapaangat siya ng tingin.

Agad niyang sinara ang laptop niya at mabilis na tumayo.

"K... Kanina ka pa ba nandyan?" Utal niyang tanong

Agad akong nagtaas ng kilay at tinanong siya pabalik.  "Why? Are you hiding something?" Pagtatanong ko dahilan para umiwas siya ng tingin.

Dahan - dahan ko siyang nilapitan at hinawakan ang mukha niya para iangat.

"Don't you dare do something that I don't like, Athena. This is your second chance so don't ruin it. Hmm?"

"O-oo naman, I know that." maikling sagot niya habang pilit na ngumingiti.

Iniwan ko siyang nakatulala sa sala at dumiretso sa kwarto ko. Napansin kong sumusunod siya sa'kin at magkasunod kaming pumasok sa kwarto.

Naupo siya sa study table at muling binuksan ang laptop niya habang ako ay dumiretso sa shower room.

Pagkatapos kong mag shower ay lumabas ako at nakita ko si Athena na abalang abala sa papeles na binabasa niya.

"Why don't you take your shower first before you continue that," pagpukaw ko sa atensyon niya.

Mabilis siyang tumayo at inayos ang mga papeles na binabasa niya. Tanging ngiti lang ang sinagot niya at dire - diretso siyang pumasok sa shower room.

Pledges Of PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon